UNTI-UNTI nang nananahimik ang bashers ni Coco Martin, siguro ay naisip nilang wala namang ginagawang masama sa kanila ang Kapamilya actor at naglabas lang naman ng kanyang hinaing at
‘di naman sila ang kalaban nito.
Kahit nga si Banat Yabang ay hindi na makaporma at napanood na rin siguro niya ang ilang fanatic ni Coco sa pinagbibidahan nitong “FPJ’s Ang Probinsyano” na dahil sa pagsasara ng ABS-CBN ay walang kuwenta na rin sa kanila ang kanilang mga TV set kaya’t pinagbabasag nila at ‘yung iba naman ay itinatapon sa dagat.
Wala na raw ang halaga sa kanila ang kanilang TV dahil hindi na nila mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano. Pero marami ang nabuhayan at ngayong June ay mukhang babalik na sa ere ang ABS-CBN na minamahal na network ng mga kababayan natin mula Luzon, Visayas, at Mindanao.
Samantala sanib-puwersa pala ang lahat ng mga kasamahan ni Cardo sa kanyang number one action-drama series sa buong bansa sa pagtatanggol sa kanya sa mga makikitid na utak na bashers nito at trolls.
At lahat ay nagsasabi kung gaano kabait, matulungin at mahusay makisama si Cardo Dalisay na kahit na nasa ‘tuktok na ng bituin’ ay hindi pinagbago ng panahon.
Ngayong September ay going to 5 years na ang FPJ’s Ang Probinsyano.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma