Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elrey Binoe Alecxander bagong mukha sa action movies

Malapit nang ilunsad ng actor-director na si Vic Tiro ang baguhang young action star na si Elrey Binoe Alecxander na matagal nang based sa Canada kasama ng kanyang Mom na si Dovie San Andres at dalawang brothers.

 

Yes tulad ni Dovie, bata pa lang ay dream na ni Elrey Binoe na maging artista pero hindi nga ito nangyari dahil naloko sila ng kanyang mother ng direk-direktoran na nakarma na ‘ata.

 

Ayon kay Direk Vic, ang lamang ni Elrey Binoe sa ating mga action star, bukod sa bata at guwapo, ay may foreign blood na puwedeng ikompara sa Hollywood actors. Siya (Direk Tiro) rin ang maghahasa sa fights scenes na gagawin ni Elrey sa launching ng kanyang action film at target nila ang actor na si Migui Moreno para makasama. May participation din ang kaibigan nilang character actor na si Rez Cortez sa said movie project.

 

At kung action ang unang sabak ng anak sa pelikula, vampire movie naman ang gagawin ni Dovie kung saan dalawa sa makakasama ng soon to be actress ay ang indie actor na si Tonz Are at recording artist na si Kervin Sawyer.

 

Bale aabot ng one hour and 45 minutes ang double film ni Dovie at Elrey Binoe kumbaga two-in-one ito na nasa isang pelikula, sabi ni Direk Vic na lumalabas sa mga teleserye ng GMA-7.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …