Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dating kasangga ni Coco sa Ang Probinsyano, chef na ngayon sa Canada 

KAYA pala hindi na napapanood sa teleserye ang character actor na si Ron Morales ay dahil nag-migrate na siya sa Canada kasama ang asawa’t mga anak noon pang 2018.
Ilang beses din naming nakikita sa mediacon si Ron pero hindi nabanggit na pamilyadong tao na pala siya kasi naman hindi halata at wala rin naman din nagtatanong.
Graceful exit ang ginawa ni Ron dahil ang huling TV project niya ay ang FPJ’s Ang Probinsyano bilang isa sa mga nakasamang sundalo ni Coco Martin.
Sumakto dahil sa Covid-19 pandemic ay ipinatigil ang lahat ng shootings/tapings at nasabay pa sa pagsasara ng ABS-CBN dahil sa expired na prangkisa nito.
Pero si Ron, diretso pa rin ang trabaho dahil isa siyang chef sa Canada base sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News na napapanood sa FB, Youtube, Channel 5 (TV Plus) at iba pang social media platform.
Kuwento ni Ron, “The chef trained me to do all the preparation the business needs. I can say I enjoy what I do. My wife is presently a stay-at-home mom, but she previously worked for a few months here as an early childhood educator (ECE) in a daycare.”
Dating ABS-CBN employee ang napangasawa ni Ron at dalawa na ang anak nila, lalaki at babae at okay naman ang kalagayan nila ngayon sa Canada sa mahigit isang taong pamumuhay.
“I can say we are fully settled after more than a year of living and working here. Definitely, there were challenges from the early stage of migration. But I can say generally it was smooth transition. Because of the family-friendly environment, peaceful and little to no traffic lifestyle PEI offers. We were detoxed from the city life we had back in the Philippines. We are missing the summer weather, though, back home, especially when it is winter season here,” kuwento ng aktor turns chef.
Pero aminadong nami-miss niya ang industriyang nakasanayan niya sa loob ng mahabang panahon.
 
“I definitely miss showbiz, my colleagues and the grind itself. In Manila I miss family, friends and, of course, food!  Hopefully, if an opportunity for acting will come my way again, I will be open to make creative projects again,” pagtatapos n Ron.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …