Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby doggie ni Angel, pumanaw na

PUMANAW na si Pwet Pwet, ang 12-year-old Bichon Frise na baby doggie ng aktres na si Angel Locsin dahil sa kidney failure.

Malaking bahagi si Pwet Pwet sa buhay ni Angel dahil ito ang laging kasama ng dalaga kapag masaya at malungkot siya kaya naman nagluluksa siya ngayon.

Isang linggo na ang nakararaan nang itakbo ni ‘Gel si Pwet Pwet sa vet dahil sa kidney, “Please pray for her. Her kidneys are failing.”

At nitong Mother’s Day ay dinalaw ng aktres ang ‘baby’ niya at may post na niyakap niya, “Fighting Happy Mother’s Day po sa lahat ng mommies–pati mga fur mommies out there.”

Pero nitong madaling araw ng Huwebes ay bumigay na si Pwet Pwet, nag-post ng mga litrato si Angel ng masasayang araw nila ng baby niya.

“Proud of you my perfect little fighter you can rest now. Love you ALWAYS.”

Umani naman ng 195k likes at 4,950 comments ng pakikiramay kay Angel ang ilan sa kanila ay ang fiancé niyang si Neil Arce, TV executives ng ABS-CBN, Angelica Panganiban, Jhong Hilario, Chito Miranda, Raikko Mateo, Maja Salvador at iba pa.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …