Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, nagpasilip sa Youtube

A day with Sam Milby Quaratine edition, ito ang titulo na mapapanood sa Youtube channel ng Cornerstone Entertainment, Inc..

Inumpisaha sa umagang paggising ng aktor at makikitang naglalagay ng gulay, ilang pirasong dalandan, saging, chia seeds, at Greenola maca powder sa blender para breakfast niya.

Habang umiinom ay nagbabasa si Sam ng Biblia, sabi niya, “quiet time.”

At may natutuhan kami, huh, kadalasan kasi kapag nagbabati kami ng itlog ay sa bowl pero si Sam, mug ang pinaglagyan ng dalawang itlog at saka hinalo ng tinidor at hayun, prinito na niya sa non-stick frying pan and yes, hindi siya gumamit ng mantika.

Nilagyan ni Sam ng cheese ang scrambled egg at isang basong gatas na may chia seeds ulit for lunch.

Pagkalipas ng ilang oras ay saka naman nag-work out ang binata ng push-ups at sabay pakita ng abs.

Ilang oras ang nakalipas ay nasa kanyang music room na si Sam, “ito ‘yung pinaka-favorite part ng condo ko, it’s my little music studio and ang daming friends na nag-recording dito.”

Naikuwento rin ng singer/actor na bata palang siya ay nanonood siya kung paano tumugtog ng piano player na pag-aari ng kanyang ama at dito siya nagsimulang matuto.

Tumugtog si Sam ng ilang classic songs at ipinakita rin niya ang mga collection niya ng gitara.

“I wanna show you my guitar collections, of course I have love for guitars and I’m very happy with the collections right now. 

“Ito ‘yung first guitar ko (acoustic electric guitar nakasabit sa wall) bigay ng ate ko at dito ako na in love sa gitara, it’s a Takamine (Japanese made). And probably after that, I moved to Martin, this is my favorite guitar, the feel, the sound. Ito ‘yung gusto kong gamitin kapag magpe-perform ako. And then If I’m going to practice, I have a Taylor mini this has an amazing sound. And this is the Pratty guitar, John Prats guitar, he’s gonna kill me for saying that (natawa), it’s a Mini Martin it is the first very came out. And this is my favorite sounding guitar sa lahat-lahat,” sabay tugtog ng aktor.

Sa ilang araw ng ECQ sa buong Metro Manila ay never lumabas ng unit niya si Sam at lahat ng kailangan niya ay online shopping. Hindi rin niya kasama ang forever personal assistant na si Nene dahil nasa bahay niya ito sa Pasig kasama ang kapatid.

Noo’y nabalitang planong ibenta ng aktor ang bahay niya sa Pasig na unang pundar niya simula nang mag-showbiz, pero nabago ang isip dahil mura lang niya nabili noon at ngayon ay mataas na ang value at higit sa lahat, dito tumutuloy ang magulang niya at kapatid kapag uuwi ng Pilipinas. Sa Ohio, USA nakabase ang pamilya ng binata.

At dahil mahilig magsulat ng kanta si Sam ay nakatitiyak kami na nakagawa na siya ng ilang kanta para sa next album niya pagkatapos ng Sam:12 na ini-release noon pang 2017.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …