Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel may panawagan: magkaisa po tayo at magtulungan

MALUMANAY ang panawagan ni Angel Locsin sa gobyerno tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN dahil sa mga nawalan ng trabaho.

Nag-Facebook live si Angel nitong Lunes ng gabi na may titulong, My Personal Opinion.

“Lilinawin ko lang po na hindi ito laban against the government. And I wish the President the best. Na hindi po natin malalampasan ang pandemyang ito kung wala po siya. Naniniwala ho ako na sa panahon ngayon lalo, magkaisa po tayo at magtulungan.

 “Ang nilalaban ko po rito ay mabigyan ng extension ang prangkisa ng ABS-CBN. Kagaya rin ho ng pagbigay ng extension sa iba pong kompanya na nag-expire po ang prangkisa pero na-extend po para dinggin po ng kongreso ang kanila pong mga kaso,” mahinahong pahayag ng dalaga.

 At ang mensahe niya kay Solicitor General Jose Calida na nagpa-alala sa National Telecommunications Commission (NTC) na ipasara ang ABS-CBN dahil expired na ang prangkisa nito.

“Naniniwala ho ako Sir na marami ho kayong nagawang maganda para sa bayan natin. Naniniwala po ako roon. Pero Sir, ‘pag itinuloy niyo po ang desisyon na ito, kahit na ano pa degree, talino, posisyon, achievement hindi po ‘yan ang matatandaan ng tao.

 “Ang matatandaan po nila and you will go down in history bilang kayo po ang taong pumatay sa ABS-CBN at tumuro sa napakaraming tao sa gitna ng pandemya. ‘Yun ho ang matatandaan namin Sir. And huwag niyo hong hayaan na mangyari ‘yun,” paliwanag pa ni Angel.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …