DAMNED if you do and damned if you don’t dahil kahit na anong magandang gawin mo para sa kapwa ay may masasabi pa ring hindi maganda ang bashers.
Sa ginanap na FB Live ni Kris Aquino noong bisperas ng Mother’s Day ay namahagi siya ng tig-5,000 para sa sampung mapapalad na nanay para iselebra ang araw ng mga ina.
Bagama’t ilan lang naman ang naglakas na nagtanong kung pera ba talaga ni Kris ang ipinamigay niya o may sponsor.
Sa pagkakakilala namin kay Kris simula pa noong pasukin niya ang showbiz ay generous na siya at talagang pera niya ang ipinamamahagi at ipinantutulong sa tao. Hello, nakapagbibigay nga siya ng branded bags at nakapareregalo ng sasakyan at mamahaling gamit, ito ba namang 50,000 kinuwestiyon pa?
Anyway, maayos namang sinagot ni Kris ang tanong, “kung pera ko raw ba iyon o may sponsor, sabi ko, ‘yeah it’s my money.’ My mom always said na kapag nabiyayaan ka o na-bless ka, wala kang karapatang angkinin lahat ‘yun kailangang ibinabahagi mo rin sa iba.
“It’s very important to share because kung hindi ka nagsi-share, hindi gaganahan si God na i-bless ka. If you become a blessing to others, then you will continue to be blessed.
“Simple lang naman, eh, itong Mother’s Day, what more can I ask for, I have two sons who really put me first, who really loved me, and talagang affectionate towards me, parang ipinararamdam talaga nila sa akin all the time na when were together, we can have accomplished and we feel fulfilled. Kahit anong storm ang dumaan, kahit anong bagyo, kahit anong pagsubok, kaming tatlo solid kami at nagmamahalan kami.”
Nabanggit ding super lucky sila dahil 0 case ang Covid-19 sa Puerto Galera na roon sila nag-stay sa loob ng dalawang buwan hanggang ngayong araw, Mayo 12.
***
Na-miss mag-interview, FB Live masusundan pa
Pinasalamatan din ni Kris ang lahat ng nanood ng FB live niya na umabot sa 79k comments, “salamat kasi nag-aksaya kayo ng panahong mag-comment tapos more than 1 million views na, it felt good kasi na-miss ko rin talagang mag-interview ng mga tao.
“Kaya pag-uusapan namin ng mga taga-Cornerstone, ‘yung head ng social media, si Jeff Vadillo who’s directing (show) and in charge with me and ‘yung presidente ng Cornerstone na si Erickson Raymundo na kung gaano namin kadalas itong gagawin and next time, kayo (publiko) kasi ang gusto kong makausap and I hope were gonna shoot that. We’ll try and hanggang sa abot ng makakaya ko,” paliwanag ni Kris.
Nabanggit din na kung sakaling ma-extend ang ECQ at mag FB Live siya ay mamahagi siya sa mga manonood ng tig-P2,000 para may pangtawid gutom.
“And galing sa akin ‘yan ha! I hated sa mga nagsasabi na bashers o troll o ewan ko sa inyo na ‘ninakaw’ daw namin (perang ipinamimigay). Hello, sa laki ng tax na binayaran ko, bakit ako magnanakaw? Ano ninakaw ko ‘yan sa sarili ko? Sana naging tax evader na lang ako!,” natatawang sabi pa ni Kris.
Ipinakita ni Kris ang mga magagandang halamang nasa paligid ng resort o ng hotel kung saan sila nakatira at ang gaganda talaga lalo na ang iba’t ibang kulay ng bougainvillea.
Sabi pa na sa panahon ng pandemic, “’wag ng isipin kung ano ang kulay mo, kulay ko, walang ganoon. Iisa ang kulay nating lahat,” sabi pa.
Samantala, ipinakita at isa-isang nagpasalamat ang 10 nakatanggap ng tig-P5,000 nitong Mother’s Day.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan