Monday , December 23 2024

183 barangay officials vs iregularidad sa SAP iniimbestigahan

PINAIIMBESTIGAHAN ang 183 barangay officials sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa mga reklamong iregularidad sa pamamahagi ng  cash aid, sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

 

“Sa rami ng ating reklamong natanggap, 183 ang iniimbestigahan ng pulisya dahil may probable cause dito,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

 

“Hindi titigil ang pulisya sa pagdakip sa mga mandarambong na barangay official na talagang tunay na virus ng lipunan. These are the kinds of arrests na kating-kating gawin ng ating PNP dahil talagang gigil din sila sa mga corrupt local officials,” ani Año,

 

Pansamantalang hindi muna ibinunyag ni Año ang pagkakakilanlan ng barangay officials dahil isinasagawa pa lamang ang imbestigasyon laban sa kanila.

 

“Maraming reklamo but we are now sorting them out to pin-point the cases that have basis, so for now, mayroon tayong 183 cases na iniimbestigahan na. Binabalaan ko kayo, kung nag-iisip kayo na mangulimbat ng mga tulong para sa mga kabarangay ninyo, we will come after you,” babala ng kalihim.

 

Nabatid na nitong unang linggo pa lamang ng Mayo ay sinimulan ng DILG ang pag-aresto sa mga tiwaling barangay officials.

 

Una aniyang nasampolan ang barangay councilor na si Danny Flores mula sa Hagonoy, Bulacan, na binanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang public address.

 

Si barangay captain Maria Luz Leal Ferrer ng Barangay 8 sa Isabela, Negros Occidental ay inaresto at sinampahan ng kaso ng PNP dahil sa iregularidad sa pamamahagi ng cash aid ng SAP, kasama ang municipal social worker na si Mae Fajardo, na sinabing kasabwat sa umano’y pamemeke ng opisyal na listahan ng SAP recipients.

 

Unang inatasan ng DILG ang PNP at hiniling sa National Bureau of Investigation (NBI) na bigyang prayoridad ang pag-iimbestiga sa mga ulat ng iregularidad sa SAP distribution. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *