Monday , December 23 2024

1,265 LGUs umabot sa SAP payout deadline —DILG  

KABUUANG 1,265 local government units (LGUs) sa bansa ang umabot sa itinakdang deadline ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong 10 Mayo 2020 sa pamamahagi ng unang batch ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan.

 

Pinuri ni DILG Secretary Eduardo Año ang LGUs dahil nakaabot sa mga mamamayan ang tulong.

 

“Nakasisigurado ako na malaki ang pasasalamat ng inyong constituents sa inyo dahil natanggap na nila ang ayudang inilaan ng gobyerno para sa kanila,” ani Año.

 

“Your work, however, is not yet done. We still have the second tranche but I am certain that you will be more systematic, quicker, and more efficient this time because of the lessons that you have learned from the first,” aniya.

 

Anang kalihim, ang overall national payout rate ng first tranche ng SAP ay umabot sa 90.86% hanggang 11:59 pm nitong 10 Mayo.

 

Inilinaw ng Kalihim na kahit tapos na ang deadline ay maaari pa rin ipagpatuloy ng LGUs na hindi umabot sa deadline, ang pamamahagi ng cash aid sa kanilang constituents, maliban kung ipag-utos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na isauli na nila ang hindi naipamahaging pondo.

 

Ayon sa Kalihim, ang top five performing regions sa distribusyon ay CARAGA (100% payout rate), Bicol Region (99.96%), SOCCSKSARGEN (98.92%), Cordillera Administrative Region (CAR) (96.8%), at Zamboanga Peninsula (96.47%).

 

Sumunod rito ang Central Luzon (95.34%),  Ilocos Region (95%), Cagayan Valley (92.82%), MIMAROPA (92.06%), Northern Mindanao (90.13%), Western Visayas (88.77%), Eastern Visayas (85.28%), National Capital Region (85.13), CALABARZON (82.7%), Central Visayas (80.45%) at Davao Region (74%).

 

“Performance speaks a lot on your leadership. A snappy salute to the local chief executives who acted swiftly in distributing the social amelioration cash subsidy to the deserving and needy families. How you served in the time of COVID-19 crisis will be remembered by the people whom you pledged to serve,” ani Año.

 

Hinikayat rin niya ang 1,265 LGUs na agad kompletohin ang kanilang liquidation reports.

 

Pagtiyak niya, padadalhan nila ng show cause orders ang LGUs na may ‘very poor performance’ sa distribusyon ng emergency subsidy.

 

“The show cause order that will be issued to the LGU is not only their accountability to the DILG but most importantly to their constituents. Kailangan nilang ipaliwanag kung ano-ano ang mga problema’t balakid kung bakit ‘di sila umabot sa deadline,” aniya.

 

Nabatid, sa 1,265 LGUs na nakakompleto ng payout, 70 ang mula sa CAR; 120 sa Ilocos Region; 59 sa Cagayan Valley; 107 sa Central Luzon; 71 sa CALABARZON; 69 sa MIMAROPA; at 112 sa Bicol Region.

 

Nasa 129 LGUs sa Western Visayas ang nakakompleto ng payout; 88 sa Central Visayas; at 126 sa Eastern Visayas.

 

Sa Zamboanga Peninsula, 72 LGUs ang nakakompleto ng payout; 88 sa Northern Mindanao; 36 sa Davao Region; 45 sa SOCCSKSARGEN; at 73 sa CARAGA.

 

Samantala, sinabi ni DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, sa Metro Manila, ang regional payout rate ay nasa 85.13% hanggang hatinggabi ng Linggo.

 

Ang Caloocan City ang may highest payout rate na 99%.

 

Ayon kay Malaya, kinikilala nila ang mga hamon at hirap na kinakaharap ng LGUs sa Metro Manila, dahil bukod sa itinuturing na epicenter ng COVID-19 crisis sa bansa, ay malaki rin ang populasyon ng rehiyon.

 

“Our LGUs are doing simultaneously their regular functions together with the implementation of the lockdown, maintaining peace and order, and also doing contact tracing, isolating, and managing COVID cases, so we know how hard it is for them,” ani Malaya.

 

“Nonetheless, we urge them to immediately complete the distribution because their constituents need the aid immediately,” aniya. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *