SA MGA EPAL at sarado ang isip na bashers at troll na porke artista at public property ay walang karapatang magalit o maglabas ng saloobin.
Hindi komo’t public figure ang mga artistang
katulad nina Coco Martin at Kim Chiu at iba pa ay wala silang karapatan na magalit.
So, para sa makikitid ang utak na bashers kahit na inaapi ang mga nasabing celebrity at ang kanilang mother network ay manahimik na lang sila o kaya ay magpakumbaba o humingi ng tawad.
Ano sila makapangyarihan pa sa Diyos? At sino sila para kutyain ang mga artistang tulad ni Coco na hindi lang pilantropo kundi nagpapasaya pa ng milyon-milyon niyang fans sa maglilimang taon nang FPJ’s Ang Probinsyano na siya ang bida at isa sa directors.
Galit na galit sila kay Coco porke ipinagtatanggol ng actor ang ABS-CBN at kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi laban sa aktor.
Teka lang, may nagawa bang kabutihan ang mga namba-bash at trolls sa ating bansa na kagaya ni Coco na maraming artistang walang trabaho ang binigyan muli ng panibagong break sa kanyang
action-drama series?
Hoy bago ninyo i-bash si Coco ay manalim kayong mga walang alam sa batas at mga sirang plaka na paulit-ulit ang mga sinasabi at iniaakusa sa Kapamilya network na pawang fabricated.
Makinig kayo, ang ipinupunto lang naman ni Coco kaya masamang-masama ang loob niya sa
gobyerno ay ang pangakong napako ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa naganap na senate hearing last February 20 led by Sen. Grace Poe.
‘Yung pangako na kahit paso na ang franchise ng ABS-CBN, at habang dinidinig pa ang renewal ng prankisa sa kongreso bibigyan muna sila ng provisional authority ng NTC na sinang-ayunan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ng DOJ.
Maging ang House Speaker na si Sen Allan Peter Cayetano ay nagbigay din ng assurance na hindi magsasara ang ABS-CBN. Pero nang ipasara ito ng NTC last May 5 ay parang bulang biglang naglaho si Cayetano.
‘Yan ang malinaw na rason kung bakit napuno na ang salop at isiniwalat na ni Coco Martin ang kanyang naramdamang galit sa mga OPM na opisyal ng gobyerno. Nagpahayag ang fans and supporters ni Coco, na hindi nila iiwan at patuloy nilang mamahalin ang kanilang idolo na si Cardo Dalisay.
At sabi nga sa kasabihan, “You cannot put a
good man or actor down.”
Loud and clear?!
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma