Thursday , March 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, napahanga sa pagda-Darna ni Zia

NAGPAKAIN ng almusal si Marian Rivera sa mga kalapit barangay kahapon bilang handog niya sa Mother’s Day.

Eh sa umiiral na enhanced community quarantine, magkatuwang sila ng asawang si Dingdong Dantes sa pagpapakain ng mga healthworker at frontliners.

Bukod sa pagtulong, nangunguna pa rin ang pagiging ina ni Yan sa dalawang anak. Sa Instagram niya, nagpasiklab ang anak niyang si Zia nang bihisan niya ang panganay bilang Darna at Dyesebel.

“May pa early Mother’s day pakulo itong si Ate Zia! Familiar ba ang mga look?” caption ni Yan.

Nakaw-pansin ang pagsusuot ni Zia ng Darna costume. Maging si Angel Locsin na na lumabas din bilang Darna ay napahanga kay Zia.

Pinusuan  ni Angel ang litrato ni Zia at nagkomento ng, “Mukhang may susunod  na Darna ah!”

Tinugunan ni Yan ng emoji ang komento ni Gel.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa palitan ng mensahe ng dalawang gumanap bilang Darna, huh!

 

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

Paulo Avelino Nadine Lustre

Paulo at Nadine magtatambal sa isang malaking proyekto 

MATABILni John Fontanilla AFTER Alden Richards ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ang makakasama ni Nadine Lustre sa isang malaking …