Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stuntman ng Ang Probinsyano, humihingi ng tulong

NAKADAGDAG sa problema ng stuntman na si Reynaldo Cristobal o Rey Solo ang pagsasara ng ABS-CBN dahil sa cease and desist order ng National Telecommunication Commission (NTC) na ibig sabihin ay hindi na siya makababalik sa trabaho niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Problemado na nga na nangyari ang ECQ dahil nahinto ang tapings/shootings nila dahil ito lang ang pinagkakakitaan ni Manong Rey na bumubuhay sa asawang maysakit na na-stroke ngayon.

Hindi malaman ni Manong Rey kung paano niya tutustusan ang gamot ng asawa lalo’t hindi rin siya makalabas ng bahay dahil sa ipinatutupad ng Maynila na bawal lumabas ang mga senior citizen.

Nakatanggap naman silang mag-asawa ng relief goods pero hindi ito sapat dahil ang importante ay pambili ng gamot o gamot na maihahatid sa bahay nila kasi nga hindi siya makalabas.

Kilala sa showbiz si Manong Rey dahil abot 40 taon na siya sa industriya at nagsimula siyang magtrabaho sa ABS-CBN sa Bida si Mister, Bida sa Misis (2002) nina Maricel Soriano at Cesar Montano.

“Napakahirap po nang ‘di lumalabas ng bahay lalo na kung nasanay ka noon na araw-araw nasa taping, nasa shooting, pagkatpos ngayon naandito ka lang ‘di ka makalabas ng bahay, eh dadalawa lang kami ng misis ko rito, anak ko naman nasa kabilang bahay. Mahirap para sa amin na senior citizen,” saad nito.

Hindi lang silang mag-asawa ang iniisip ni Manong Rey kundi ang kapwa niya stuntman na nawalan din ng trabaho kaya sana mabigyan sila ng tulong ng gobyerno.
“Sa ngayon hindi ko po masabi ‘yung ibang mga kasama ko kung ano ang mga nangyayari sa kanila, tulad ko na walang trabaho. Sana madinig din ng gobyerno na tulungan ang mga stuntman at mga manlalabas sa pelikula na wala nang ginagawa,” sabi pa.
Nabanggit din na sana makarating kay Coco ang hinaing niya at kapwa niya stuntmen na matulungan sila sa panahon ng pandemic. Matagal na silang hindi nagkita ni Cardo.

“Hindi na po kami nagkita simula noong cast party ng ‘Probinsiyano.’ ‘Direk coco, kapag kailangan mo sa mga susunod pang araw, sana isama mo ako sa mga project mo,” say pa.

At sa mga gustong makatulong o makausap si Manong Rey, ito po ang kanyang contact number +63 927 361 6826 at +63 930 755 3344.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …