Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nagustuhan ang buhay probinsiya

HALOS dalawang buwan na ang mag-iinang KrisJoshua, at Bimby Aquino sa Puerto Galera at na-enjoy na ng Queen of Social Media ang ‘buhay probinsiya’.

Kumakain na ng green leafy vegetables ngayon si Kris tulad ng talbos ng kamote na iba’t ibang luto. Isa rin sa paboritong kainin ngayon ni Kris ay ang turon.

Kuwento ng aming source, “gusto na niyang mamuhay sa probinsya.”

Bukod kasi sa sariwa ang hangin, fresh lahat ng seafoods at gulay, tahimik pa at simpleng buhay lang.

Mukhang nakaganda na inabutan ng ECQ sina Kris, Josh, at Bimby sa Puerto Galera para maranasan nila ang simpleng buhay.

‘Yun nga lang dahil sa sobrang init ng panahon ay nagkaroon na naman ng pantal si Kris pero tolerable naman at umokey na ngayon.

Walang ginawa ngayon si Kris kundi magbasa ng libro.

Samantala, tinanong namin ang Cornerstone President and CEO na si Erickson Raymundo, nagma-manage kay Kris ngayon kung kailan ‘yung pagbabalik niya sa live chat sa online dahil tuwang-tuwa ang fans nang mabasa nilang muli nilang mapapanood ng kanilang idolo.

“Wala pamg exact date kasi nagka-rashes pa. Oo nga nag-trending siya kasi hinahanap siya,” say sa amin ni Erickson.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …