Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Beauty Queen Faye Tangonan, first Asian actress na wagi ng Best Supporting Actress sa Oniros Film Awards sa Italy

Hindi inaasahan ng beauty titlist at newcomer actress na si Ms. Faye Tangonan na magkakaroon siya ng international award sa horror movie nilang Tutop na pinagbibidahan nila ni Ron Macapagal at mentor na si Direk Romm Burlat.

Napanood namin ang teaser ng follow-up movie ni Faye at nagalingan kami sa kanyang performance rito at very challenging ‘yung role niya sa film na napansin sa Oniros Film Awards 2020 sa bansang Italya.

Sa rami ng sumali mula sa iba’t ibang bansa na umabot sa 56 finalists ay napabilang sa 6 finalists ang Tutop na si Ms. Faye ang nakasungkit ng Best Supporting Actress at matindi ang mga nakalabang foreign actresses ng Miss Universe International

2018-2019.

“I’m so overwhelmed, actually I feel so lucky. I keep asking my director and producer Romm (Burlat) na why me? I feel so blessed at napansin agad ‘yung acting and I want do dedicate my award to my family, and to all my co-stars in Tutop especially to Direk Romm, na mentor ko,” say pa ni Faye.

Ano naman ang masasabi ni Direk Romm sa nasabing alaga?  “Kahit baguhan si Faye, she

gave her all for the project. She always ask me on acting tips and how to improve her craft. She

listens and learns. She deserves her award,” sambit ng aktor/direktor.

Bukod kay Ms. Faye at sa kanyang Best Supporting Actress ay naging nominado rin sa Oniros ang Bidaman na si Ron Macapagal, Direk Romm Best Actor at Best Director para sa director ng Tutop na si Marvin Gabos. Hinirang din ang Tutop na “Best Horror Film” at nominated rin sa 8 Best Feature Films.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …