Saturday , December 21 2024

Shabu at alak sa ECQ sa kamay ng QCPD

HINDI lingid sa kaalaman ng lahat na ipinagbabawal ang pagbebenta at paggamit ng shabu. Hindi lang dahil sa ilegal ang droga kung hindi wala itong naidudulot na kabutihan sa kalusugan at sa lipunan.

 

Heto nga, inakala naman ng mga sindikato ng droga na mamamayani ang kanilang operasyon nang ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil abala ang PNP sa pagpapatupad ng ECQ bilang pagtulong sa pagkontrol ng COVID-19.

 

Pero laking pagkakamali ng mga sindikato dahil tuloy ang kampanya ng PNP laban sa droga. Batid ng pulisya na tiyak na sasamantalahin ng sindikato ang ECQ.

 

Patunay na lalong pinaigting ang giyera laban sa droga sa panahon ng ECQ ang malakihang operasyon ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni P/BGen. Ronnie Montejo, makaraang makakompiska uli ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa tatlong tulak.

Nitong 28 Abril 2020 isinagawa ang anti-drug operation ng QCPD Masambong Station (PS2) sa ilalim ni P/Lt. Col. Rodrigo Soriano sa pamamagitan ng Drug Enforcement Unit (SDEU) na sinusuportahan  ng NCRPO Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) sa Taguig City.

Nito rin 30 Marso 2020, may ECQ na. Nakakompiska rin ang QCPD Novaliches Station (PS4) sa ilalim ni P/Lt. Col. Hector Amancia ng P14 milyon halaga ng shabu – bunga ito ng nauna pang operasyon ng PS4 na nagresulta sa pagkakakompiska ng P2 milyon shabu.

Iyan lamang ang ilan sa patunay na hindi nagbago ang QCPD, si Montejo sampu ng kanyang mga opisyal at tauhan o ang PNP sa kampanya laban sa droga kahit na abala sa pagbabantay sa COVID 19.

Ngayong panahon ng ECQ, mistulang droga na ipinupuslit ang alak – may liquor ban kasi. Bawal ang pagbebenta ng alak!

Hayun, ang mga sugapa sa alak ay hindi na nakatitiis. Galit na raw ang kanilang bahay alak. Kaya ginagawa ang lahat ng paraan para makabili at makainom ng alak. Akalain ninyo, parang droga na rin ang presyo ng alak ngayon – ang isang litro ng kilalang lokal na inuming “lights” ay P350 samantala P120 lang ito kapag walang liquor ban.

Ang mga gahaman naman ay sige pa rin sa pagbili sa mga ‘ismagler’ makainom at malasing lang. Mapagbigyan lang ang ‘kapritso’ ng kanilang mga bahay-alak. Tapos panay ang reklamo na wala raw silang pera at walang nakararating na relief goods mula sa gobyerno. Letse!

Kamakalawa, isang madugong pagpupuslit ng alak ang nangyari sa isang police checkpoint sa Quezon City. Umabot pa sa Pasig City ang habulan sa paghuli sa mag-ama na tumangging huminto sa checkpoint. Nagresulta tuloy ang pagpuslit ng kahon-kahong alak sa barilan at pagkamatay ng ama na isang dating pulis.

Imbes sumuko, nanlaban at nakipagbarilan ang dating pulis. Nang mapawi ang usok, sugatan ang dating pulis at nadakip ang anak. Nadiskubre sa SUV ng mag-ama ang kahon-kahong alak. Namatay ang pulis sa ospital.

Ganoon na lamang ba kahalaga ang alak ngayong ECQ? Ayaw kong husgahan ang mag-ama. Pero para saan ang kahon-kahong alak na kanilang tangkang ipuslit?

Ano pa man, ang pangyayari ay patunay lamang na walang magandang maidudulot ang alak at shabu. Higit sa lahat, patunay ito na seryoso ang PNP sa pagpapairal ng ECQ laws sa kalagitnaan ng pandemic.

Isumbong ang mga nagbebenta ng mga alak ngayon!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

 

 

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *