Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ogie Diaz, may pasaring sa mga natutuwang nagsara ang ABS-CBN—Guminhawa ba ang buhay n’yo? Ikinayaman n’yo ba?

SOBRANG nalungkot si Ogie Diaz sa pagsasara ng ABS-CBN noong Martes ng gabi sa utos na rin ng National Telecommunications Commissions (NTC). Sa Kapamilya Network kasi siya nagtatrabaho, at ang mga alaga niya ay talents din nito at isa rito si Liza Soberano.

Sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Ogie ang lahat ng nagmamahal sa estasyong kinabibilangan niya. Sabi niya, “Maraming salamat sa lahat ng nagmamahal sa ABS-CBN. Lalaban pa po tayo. Isama n’yo sa dasal ang ating network na bahagi na ng pamilyang Filipino.”

Sa isa pa niyang Facebook post ay pinasaringan naman niya ang ilan sa mga natutuwa sa pagsasara ng ABS-CBN. Sabi niya, “Sa mga nagsasaya, kumusta? Guminhawa ba ang buhay nyo?  Ikinayaman nyo ba? 

“Ikinagaan ba ng pakiramdam n’yo na may eleven thousand employees ang nawalan ng trabaho at pati pamilya nila, damay sa kaadikan mong magsara na ang estasyon.

“Pwede na ba kayong magsaya sa kalsada dahil biglang hindi nyo na naramdamang may pandemic pala?

“Makakakuha na ba kayo ng ekstrang ayuda kasi nagpaalam na ang ABS-CBN? Meron pa ba o ubos na? Kung ubos na, me aabangan pa bang ayuda? 

“Kumusta yung relief operations? Araw-araw ba, me dadaan nang sasakyan sa tapat ng bahay nyo para bigyan kayo ng relief goods? Sana nga, no?

“Dahil kayo yung yes to shutdown, ano feeling nyo, bababaan na kayo ng contribution sa Philhealth at yung no to shutdown lang ang tataasan ang singil?

“Dahil gusto nyo yan, ano na?  Aatras na ba ang China sa pag-angkin ng pag-aari ng Pinas?

Hihinto na ba ang POGO kasi wala nang ABS-CBN?

“Ay, siya nga pala, sana, kayong mga nagsasaya sa pagsasara ng ABS-CBN ay mahatiran din ng tulong POGO.  O maipasok man lang doon ng trabaho kasi ikaw na nagsasaya ngayon, nganga din.

“Sana, mangyari lahat yan sa buhay nyo o sa bansa natin para naman may silbi sa inyo ang pagsasara ng ABS-CBN. 

“Happy ka na?

“Pag naganap lahat yan in one year, balikan mo ako. Kasi iko-congratulate kita, dahil tama ang dasal mong i-shutdown ang ABS-CBN.”

 

 

MA AT PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …