Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Malacañang Press Corps
Malacañang Press Corps

MPC umalma vs atake ng estado sa ABS-CBN #Defendpressfreedom

“WE CALL on our colleagues in the media profession to unite in the face of this attack. We know this for what it is. Whether done in the dark days of Martial Law or under the broad sunlight of a supposed democracy, attacks against press freedom will only succeed when we are divided.”

Panawagan ito ng Malacañang Press Corps (MPC) sa hanay ng media para magkaisa sa harap ng pag-atake sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN.

Anila, ang hakbang na ito ng NTC ay tahasan at garapal na pag-atake sa malayang pamamahayag .

Sa kalatas ng MPC, sinabi nitong ang desisyon ng NTC ay kasunod ng banta ni Solicitor General Jose Calida na sasampahan ng kasong graft ang mga opisyal ng komisyon kapag binigyan ng provisional authority ang ABS-CBN.

Ito ay sa kabila ng naunang komitment ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa House Committee on Legislative Franchises na pagkakalooban ng provisional authority ang broadcast company.

Matatandaan na si Calida ang naghain ng quo warranto petition sa Supreme Court laban sa ABS-CBN noong Pebrero 2020 matapos ang sunod-sunod na pahayag  ni Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin niya ang franchise renewal ng broadcast company.

“Since 2014, Congress sat and dilly-dallied on ABS-CBN’s application to renew its franchise until it was too late on May 5, 2020 – one of the darkest moments in the history of Philippine media,” anang MPC.

Ang mga nasabing pangyayari ay malinaw na pagsasabwatan para atakehin ang ABS-CBN at sa kabuuan ay pag-atake sa press freedom ng mga ahente ng gobyerno na nais lamang sumisipsip sa kanilang amo.

“The confluence of events shows us that this is an orchestrated attack in part against ABS-CBN, and on the whole, an attack against press freedom by agents of the government who are only too willing to please their master. They have done it before. They are doing it again,” pahayag ng MPC.

Hiniling ng MPC na tuparin ng NTC ang ipinangako sa Kongreso na bigyan ng provisional authority ang ABS-CBN at ipaubaya sa Kongreso ang usapin ng franchise renewal.

“We stand in solidarity with ABS-CBN and its more than 11,000 workers, whose livelihoods are now at risk because of the NTC’s unreasonable and imprudent action,” mariing pahayag ng MPC. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …