Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

46 ‘kupitan’ ng barangay target ni Isko

MAHAHARAP sa masusing imbestigasyon ang 46 barangay chairpersons dahil pagpapaliwanagin ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga isyung ‘kupitan’ ngayong panahon ng pandemyang COVID-19.

Ang 46 barangay chairpersons ay inireklamo dahil ‘kinukupitan’ ang bilang ng ayuda gaya ng nawawalang sauce ng spaghetti, hindi naibigay na financial assistance, pang-uumit ng grocery items at iniimbak sa barangay hall na ginawang bodega.

Kaugnay nito, pinadalhan ng show cause order ang 46 chairpersons na tinaguriang ‘mga kupitan’ mula sa iba’t ibang lugar sa anim na distrito ng lungsod.

Tatlo sa mga barangay chairpersons na sinasabing may pinakamalaking ‘kupit’ ay nagmula umano sa Tondo.

Pinakamatinding reklamo na nakarating kay Mayor Isko, na labis niyang ikinagalit, ay listahan ng ayuda na sinamahan ng mga yumao na at nagkaroon pa ng patunay na nakakuha ng tulong.

“May mga nagrereklamo din na ‘yung spaghetti at sauce naging mami o sardinas na lang o wala at all. Wala talaga silang karapatang gawin ‘yun dahil nakalaan ‘yun sa tao. Ang tanging tulong ng barangay ay pagre-repack para mas mabilis,” ayon kay Moreno.

‘Mortal sin’ naman umano ng isang ‘kupitang kapitan’  ang pag-iimbak sa barangay hall ng foodpacks upang i-recycle at ipamimigay kapag lumabas na ang budget at palalabasin na naipambili ng mga grocery items at iba pang relief goods pero sa katotohanan ay mga recycle na ayuda.

Nakarating sa kaalaman ni Yorme na maging ang ayuda sa matatanda o senior citizens ay ‘di nakaligtas sa mga kupitan ng barangay dahil dinugas maging ang P1,500 at ang gatas (Ensure) para sa mga lolo at lola.

Nagyabang pa ang  inaakusahang ‘kupitan ng barangay’ na hindi niya ito gawain dahil aniya ‘mayaman’ umano siya.

“Hindi ako nag-aakusa pero may mga reklamong ‘di nakatanggap ng P1,000 na CACAF (city amelioration crisis assistance fund) pero nasa listahan naman namin. Lahat nahihirapan ngayon kaya dapat pairalin ang malasakit kaysa politika.

“Baka na-misplace, sinadya o hindi o may ginawang ‘di maganda. Wala tayong sisinohin. ‘Wag kayong kabahan kung wala kayong ginagawang masama,” ayon sa alkalde.

Nagbabala rin si Isko sa mga kapitan ng barangay na huwag pakikialaman ang Social Amelioration Program (SAP) funds na galing sa national government.

“May nababalitaan kami, ‘yung SAP, ang ginagawa ng ilan, ‘yung P8,000 ay hinahati sa tig-P2,000. Dapat buo at kung sino ang napiling benepisaryo ng DSWD. Mahigpit ang bilin ni Pangulong Duterte na walang politikong makikialam pero paalaala, national government ito through DSWD. Tutulong lang kami sa manpower,”  dagdag ng alkalde.

Kaugnay nito, pinuri ni Mayor Isko ang mga barangay chairpersons na naging patas at tapat sa pagbibigay ng tamang halaga ng pera at bilang nga grocery items bilang ayuda sa kanilang mga nasasakupan. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …