AFTER maipalabas sa mga sinehan ang ‘Da Ninang nina AiAi delas Alas at Kisses Delavin, limang
pelikula pa ang nakatakdang gawin ng Regal Entertainment, Inc., ngayong 2020.
Pero dahil nga sa pesteng corononavirus na dumapo sa bansa at buong mundo ay pansamantalang natigil ang shooting ng upcoming movies ng Regal gaya ng entry nilang “The Missing” sa 1st Metro Manila Film Festival na pinagbibidahan nina Ritz Azul, Joseph Marco, at Miles Ocampo.
Supposedly, kung hindi nagkaroon ng pandemic, ay naipalabas na ito last April. Kabilang din sa five movies ng Regal ang first movie ni Joshua Garcia sa said movie oufit na Bob Ong’s Mga Kaibigan Ni Mama Susan.
Joint venture sa best selling novel movie na ito ang Regal at ang Star Cinema. Doon sa tatlong movies ay wala pang detalye pero ayon sa daughter ni Mother Lily na si Ma’am Roselle Monteverde, commitment
nila sa kanilang mga artista ang projects sa kanila kaya dapat nilang gawin ito bago matapos ang 2020.
Samantala last month ay nagkaroon ng solo piano concert si Mother Lily na napanood nang live sa Facebook Fan Page ng Regal at umani ng maraming views, likes, at comments. Ang layunin ng regal matriach ay mapasaya ang mga taong stress na at bore sa umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) o lockdown.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma