Isa ang businesswoman at radio personality na si Madam Yvonne Benavidez sa matalik na kaibigan
ng yumaong Kapuso comedian na si Babajie o Alfredo Cornejo, Jr., sa tunay na buhay.
Kuwento ng MEGA-C owner, early 2000 nang makilala niya si Babajie and since then ay naging kaibigan niya at kinuha pang co-host sa kanyang radio program noon sa DWBL.
Noong magkasakit at naratay sa San Lazaro hospital, agad raw tumawag sa kanya at naabutan naman niya ng kaunting financial assistance para sa medication.
Dagdag ni Madam Yvonne, apat na araw bago bawian ng buhay ang nasabing komedyante ay hiniram pa ang cellphone ng ina para makausap siya at nagpasalamat sa kanya. Kaya nang mabalitaan ni Madam Yvonne na wala na ang kanyang friend ay iyak nang iyak siya at mugto na raw ang mata niya sa pagdadalamhati sa maagang pagpanaw ni Babajie.
Mami-miss raw talaga niya si Babajie lalo’t noong nabubuhay pa ay siya ang nagpapasaya ng kanyang araw. May katigasan lang daw talaga ang ulo ng komedyante at ilang box na ng Vitamin C (Mega-C) ang ibinigay niya rito pero hindi raw iniinom at wala rin siyang maintenance.
Dahil mahina ang katawan o immune system ay dinale siya ng pneumonia na naging ugat ng
kanyang kamatayan.
Samantala may payo pala si Madam Yvonne sa gobyerno, para hindi na raw madagdagan pa ang ma-infect ng COVID-19 ay mas maiging sa bawat ospital ay ihiwalay ang mga pasyenteng severe (malubha) at hindi.
Kasi kapag pinagsasama-sama raw ay talagang hindi maiiwasang mas maraming mahawang frontliners na kinabibilangan ng doctors, nurses, at janitors.
Baka dito na raw maresolbahan ang hinihintay ng lahat na flattening the curve sa COVID-19 kasama ang
vaccine na susugpo at magpapagaling sa nakamamatay na virus.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma