Tuesday , October 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Quarantine protocols dapat irespeto at sundin ng mga nais tumulong

NGAYONG panahon na marami ang nangangailangan dahil nahinto ang kanilang mga trabaho sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ), malaking bagay ang pagtulong ng gobyerno at ng ilang indibiduwal.

At mukhang pasok diyan ang nakaraang insidente na kinasasangkutan ni dating senador Jinggoy Estrada na namahagi ng bangus sa kanyang mga kababayan kamakalawa.

Pero imbes matuwa, hindi naging pabor rito ang local government ng San Juan, kaya ipinaaresto ang dating senador.

Ang rason, maraming ginawang paglabag ang dating senador sa quarantine protocols.  

At dito muling ipinakita ng kanyang erpat na si dating pangulo Erap Estrada na hindi niya pababayaan ang anak dahil hindi pa nag-iinit ang upuan ni dating senador Jinggoy e dumating na ang kanyang erpat — mukhang nagmamadali  dahil nakita sa video na walang face mask at latex gloves bilang proteksiyon ng isang senior citizen na gaya niya.

Dahil sa paglabag na ‘yan ni ex-senator Jinggoy, mismong ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay kinatigan ang ginawang pag-aresto ng San Juan City Police kay dating senador Jinggoy, habang namamahagi ng relief goods sa mga residente sa Barangay Salapan nitong Linggo ng hapon.

Klinaro ni Interior Secretary Eduardo Año, kung ano-ano ang mga paglabag sa ECQ protocols sa ginawang pamamahagi ng relief goods ni Jinggoy, una, walang koordinasyon sa local government ng San Juan City.

Ikalawa, wala umanong quarantine pass ang mga namimigay ng relief goods at hindi awtorisado para lumabas ng kanilang mga tahanan, sa ilalim ng ECQ.

“‘Yung  pagkakaaresto kay former senator Jinggoy Estrada, unang-una wala siyang official coordination sa city government… pangalawa, ‘yung mga nagdi-distribute wala rin silang quarantine pass, they are not authorized persons outside residence so violation na naman ‘yun,” paglilinaw ni Secretary Año, sa isang virtual press briefing.

“Pagkatapos, nakita ko sa video may mga pagsaway sa physical distancing at pang-apat pati seniors at mga minors ay lumabas din ng bahay, another pagsuway na naman ‘yun,” diin ni Secretary Año.

Naiintindihan naman umano nila na mabuti ang intensiyon ni Estrada sa pagkakaloob ng tulong sa mga residente ng San Juan, ngunit dapat aniyang legal ang paraan ng pagtulong.

Sabi pa ni Secretary Año, “Dapat iayon ito sa legal na pamamaraan at sa panuntunan ng ECQ guidelines.”

Hindi nga naman puwedeng ikatuwiran na kaya hindi sila nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan na pinamumunuan ni Mayor Francis Zamora, e dahil hindi sila nagbabatian ngayon dahil sa mga hidwaang politikal.

Sabi nga ni Secretary Año, kung hindi man maganda ang relasyon ni Estrada sa pamunuan ng San Juan City government ay maaaring humingi ng tulong sa ibang ahensiya ng pamahalaan, gaya ng Office of Civil Defense.

“Kung kaaway naman niya ‘yung LGU, nandiyan naman ‘yung OCD, ibigay mo ‘yung gusto mong ipamigay doon and let OCD to do its job, may mga ahensiya sa ilalim niyan,” pahayag ni Secretary Año.

Palagay natin ‘e nagkamali ng pakiramdam si dating senador Jinggoy, ‘yun bang feeling na akala niya ay sila pa ang nasa poder kaya hindi nakapagpapasintabi…

Nalimutan yata ni ex-senator Jinggoy ang sinabi ng erpat niya noon: “Weder-weder lang ‘yan!”

Anyway, pagkatapos naman ng mga paliwanagan at hopefully ay may mga paumanhinan rin, hindi na sinampahan ng kaso ang dating senador at pinalaya ng San Juan police…

Sabi nga, all’s well that ends well.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *