Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xavi, Arjo, at Ria muling nayakap ng mag-asawang Sylvia at Art na naging biktima ng COVID-19 (a loob ng mahigit isang buwan)

DAHIL kapwa naging positibo sa COVID-19 na ngayon ay kompirmadong magaling na, mahigit isang buwan bago muling nakita at nayakap ni Sylvia ang bunso nilang anak ni Mr. Art Atayde na si Xavi.

Post ni Sylvia sa kanyang Facebook, sa tagal na hindi nakasama ay labis siyang nangulila kay Xavi at gabi-gabi halos ‘di makatulog dahil durog na durog ang puso niya sa sobrang pagka-miss sa youngest nila ni Art.

Para kay Xavi, sa iba pa nilang mga anak, at mga kasama sa bahay ay kinailangan daw talaga nilang magsakripisyong mag-asawa, para hindi sila makahawa. E, hindi pa mandin kompleto ang araw ni Sylvia at Art na hindi nakakasama si Xavi at no’ng wala pa silang sakit ay madalas talaga ang bonding ng tatlo lalo na kapag walang showbiz commitments si Ibyang (tawag ng marami kay Sylvia).

Kaya nakaaantig talaga ang mga posted photos ng multi-awarded actress nang muli nilang nayakap nang mahigpit ni Art si Xavi na naglulundag talaga sa tuwa at saya na makita ang kanyang mga magulang na mahal na mahal siya.

Yes very spoiled si Xavi na lahat ng magustuhan ay binibili sa kanya ni Sir Art. Umani ng maraming likes at comments ang nasabing post ni Sylvia sa kanyang social media account. Siyempre ikinatuwa rin nina Arjo, Ria, at iba pang mga anak ang paggaling ng kanilang parents sa nakakamatay na coronavirus dahil hindi talaga biro ang pinagdaanan nilang dalawa.

“Target On Air” commentator
Rex Cayanong na-interview
si Ormoc City Mayor Richard Gomez
at sikat na social media
influencer Francis Leo Marcos

Halos dekadang radio commentator si Ka Rex Cayanong ng sarili niyang programa na “Target On Air”

na napapanood via live streaming sa YouTube at naririnig sa DWAD 1098 sa inyong AM band.

At sa tagal ng panahon sa mundo ng broadcasting ni Ka Rex, marami na siyang nakapanayam na mga baguhan at mga bigating pangalan sa politika. Umabot na rin sa buong mundo ang popular niyang programa tampok ang one-on-one interview sa mga politiko via phone patch bukod pa sa pagbibigay niya ng sariling opinyon.

Deretsahang magtanong ang nasabing broadcaster at walang paligoy-ligoy. May mga kumilala na rin na award giving bodies kay Ka Rex at ngayong taon ay tatanggap siya ng bagong parangal.

Samantala pawang usapin sa COVID-19 pandemic ang tinatalakay ni Ka Rex sa kanyang Target On Air at kamakailan ay nakapanayam ang masipag na mayor

ng Ormoc City na si Richard Gomez.

Kanilang napag-usapan ni Goma ang pamamahagi ng actor-politician ng tig-iisang sakong bigas na ayuda sa kanyang constituents sa Ormoc. Maging ang pinag-uusapan ngayon sa social media na si Francis Leo Marcos ay binigyan ni Ka Rex ng espasyo sa kanyang show.

Hanga raw kasi siya sa kabutihan at malaking puso nito sa mga kababayan na kahit wala sa mundo ng politika ay nakukuhang tumulong ni Mr. Marcos sa mga apektado ng pandemya dulot ng pesteng cororonavirus.

Kuwento ng IT manager na si Silvestre Go-Sy, may sariling high-end studio si Ka Rex at doon siya nagla-live broadcast.

Ngayong patuloy ang lockdown, madalas raw si Ka Rex sa kanyang bahay bakasyonan at farm sa Antipolo, na marami siyang alagang panabong na manok at mayroon mga pananim.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …