Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Denver Trending, mapapanood na sa iWant

MAPAPANOOD na ng libre ang award-winning movie na John Denver Trending sa iWant (iOs at Android). Ang pelikulang ito ang Best Film sa Cinemalaya 2019.

Iikot ang pelikula sa buhay ng binatang si John (Jansen Magpusao), na mapagbibintangang nagnakaw ng iPad. Habang ipinagtatanggol ang  sarili, mapapasabak si John sa isang away – isang pangyayaring babago sa kanyang buhay dahil kakalat ito sa internet.

Maliban sa kanyang palaban na inang si Marites (Meryll Soriano), mag-isang lalabanan ni John bilang biktima ang cyber-bullying at fake news, kurakot na pulisya, at mga politiko para mapatunayang wala siyang kasalanan.

Ang John Denver Trending ang unang pelikula ng director na si Arden Rod Condez at ni Jansen na nagwagi ng Best Actor award sa Cinemalaya 2019. Gumamit ang pelikula ng Kiniray-a, salitang ginagamit sa Antique, dahil kinunan ito sa Pandan, Antique, ang pinagmulang bayan ng direktor. Tampok din sa cast ang first-time actors na sina Glenn Mas, Sunshine Teodoro, Sammy Rubido, Vince Philip Alegre, Jofranz Ambubuyog, Christian Alarcon, Zandro Leo Canlog, Luz Venus, Andy Yuarata, Estela Patino, at Renato Sagot.

Maliban sa Best Film, napanalunan din ng indie film ang NETPAC Jury Prize, Best Editing, Best Cinematograpy, at Best Original Score sa 2019 Cinemalaya Independent Film Festival. Iniuwi rin nito ang ilang major awards sa Vesoul International Film Festival, kasama ang Special Jury Prize, Audience’s Choice Award, at Critics’ Choice Award, pati na rin ang ilang pagkilala mula sa iba’t iba pang international film festivals. Kalahok na rin ang pelikula sa 14th Asia Pacific Screen Awards at mapapasali sa mga nominasyon.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …