Monday , December 23 2024

2,000 reklamo vs barangay officials natanggap ng DILG  

NASA 2,000 ang mga reklamong natanggap ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa mga opisyal ng barangay hinggil sa pamamahagi ng cash subsidy, sa ilalim ng Special Amelioration Program (SAP).

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, pangunahin reklamo ang pagbibigay prayoridad ng barangay officials sa kanilang mga kamag-anak at kaalyado sa politika para mabigyan ng tulong pinansiyal.

“’Yan ang mga reklamo sa atin, ‘yun daw pinipili ni kapitan puro kamag-anak puro kaalyado,” ani Diño sa panayam sa radyo.

Ilan pa aniya sa mga reklamo na natanggap ng DILG ang pag-charge ng P2,000 sa mga beneficiaries bilang processing fee para sa ayuda.

Ang iba naman ay nagrereklamo dahil hindi nabigyan ng SAP dahil bagong lipat sila at hindi kasama sa listahan ng mga benepisaryo, na ibinase sa census na isinagawa noong 2015.

“‘Yung mga bagong salta sa barangay ang hindi agad naabutan ng tulong dahil ang ginamit na listahan ay 2015 pa,” ayon kay Diño.

Kaugnay nito, tiniyak ni Diño na nireresolba na ng ahensiya ang mga isyu, para matiyak na makatatanggap ng subsidiya ang mga kalipikadong benepisaryo.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng SAP, na P16,000 sa 18,000 low income families sa buong bansa, sa loob ng dalawang buwan, upang tulungan silang makaagapay sa epekto ng pandemyang COVID-19.

Pinaglaanan ito ng budget na P200 bilyon.

Binigyan ng DILG ng deadline ang mga local government units na tapusin ang pamamahagi ng SAP hanggang 30 Abril, ngunit kalaunan ay pinalawig ito ng isang linggo pa o hanggang 7 Mayo.  (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *