Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juancho at Joyce, nakararamdam ng anxieties dahil sa Covid-19

KAHIT paano, thankful ang newly-wed Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring na magkasama sila ngayong may kinakaharap na global pandemic na Covid-19. Naninirahan sila ngayon sa isang condo at inamin nilang kasalukuyang nakararanas din sila ng anxieties at problema.

 

Sa isang video interview with GMA, ikinuwento ng Unang Hirit hosts ang kalagayan nila. Ani Juancho, “ako individually, I go through a lot of worries. Siyempre, inevitable na ‘yun. Kahit na hindi ako mismo ‘yung nahihirapan, this isn’t something that we’re prepared for na kahit ilang beses natin itong pag-usapan, mahirap pa rin talaga kapag pinagdaraanan.”

 

Dagdag naman ng kanyang maybahay na si Joyce, “Yeah, siguro lahat naman ng tao makare-relate na this has been a struggle for everyone siguro iba-iba lang ang levels ng struggle. Feeling ko nag-settle down ‘yung height of everything where everyone was kind of busy nanonood tayo lahat ng news.”

 

Kahit sila, hindi rin naiiwasan ang pag-alala at mabahala sa nagiging kondisyon ng bansa pati ng mga frontliner. Sa kabila nito, inaanyayahan ng JuanChoyce ang lahat ng mga kababayang Filipino na maging matatag dahil makababangon din tayo mula sa krisis na ito.

 

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …