Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Inspirado music video pataas nang pataas ang views sa YouTube na umabot na sa 113k

Bukod sa paggawa ng indie movies ni Direk Reyno Oposa, tagumpay rin siya sa field ng recording bilang produ at director ng music video ng mga new talent artists.

 

Isa mga obra ni Direk Oposa ay napansin sa Cinemalaya — ang Takipsilim na naging finalist sa short film ng nasabing festival last 2018. Pinagbidahan ito ng kanyang ama at kapatid.

 

In the can na rin ang latest movie na Silab na pasok naman sa Cinemalaya 2020 para sa short feature category.

 

Matapos niyang i-compose ang Pinatagpo ‘Di Itinadhana na ini-record ni Rosa Mejica, produkto ng singing contest na umani ng libo-libong views sa official YouTube channel ng kaibigan naming director, umaani naman ngayon ng libo-libong views ang Inspirado ni Ibayo Rap Smith.

 

Kasama niya rito ang social media influencer-dancer na si Leng Altura na habang isinusulat namin ang column na ito’y pumalo na sa 113,000 views, in 4 weeks time ang Inspirado and still counting.

 

Senyales ito na may future si Direk Reyno na nag-produced ng single na Inspirado at nagdirek ng music video nito. Marami na ang nagse-share at nagpa-participate sa pakontes ni Direk Reyno na Inspirado

Challenge, at isa sa nag-join ang lead actor ng Wild Butterflies na si Kurt Harris.

 

Abangan din ninyo ang follow-up single ni Ibayo Rap Smith na Kung Bagay featuring Whamos Cruz, Maui Mendoza, and DK One. Malapit n’yo na rin itong mapanood sa YouTube channel ni Oposa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …