IBINASURA ng Taiwan ang hirit ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na i-deport ang isang Pinay caregiver dahil sa pagbatikos sa mga hakbang ng administrasyong Duterte laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon sa Malacañang , ipinauubaya nila sa hurisdiskyon ng mga awtoridad sa Taiwan ang pagpapasya sa deportation ng sinoman sa kanilang bansa.
“We leave the Filipino caregiver to the jurisdiction of Taiwanese authorities because deportation is really a decision to be made by Taiwanese authorities, which forms part of China,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Nauna rito itinanggi ni Roque na gobyerno ng Filipinas ang humirit sa Taiwan na ipa-deport si Elanel Ordidor, isang OFW sa Taiwan, bunsod ng mga kritisismo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa social media. (ROSE NOVENARIO)