DOMESTICATED ang byuti ni Kyline Alcantara sa Bicol sa panahon ng community quarantine.
Habang nandoon, binalikan ni Kyline ang madalas niyang ginagawa noong bata pa siya–ang magkudkod ng niyog!
Bihasang-bihasa sa pagkudkod ng niyog si Kyline na ipinakita niya sa isang video sa Instagram.
Bukod sa simpleng buhay, naka-bonding din niya ang lolo’t lola habang nasa Bicol.
Pero kahit nasa Bicol, patuloy pa ring napapanood si Kyline sa no-contact online show ng All Out Sunday sa Facebook account ng GMA.
I-FLEX
ni Jun Nardo