Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo Matteo Guidicelli

Showbiz couple Sarah Geronimo And Matteo Guidicelli, abala sa biking ngayong lockdown  

ISA kami sa nagpa-follow sa Twitter account ni Matteo Guidicelli kaya lagi kaming updated sa activities ng hunk singer-actor tulad ng pagiging active sa One Voice Pilipinas na patuloy na nagre-raise ng fund para sa mga apektado ng COVID-19.

Interesting din ang mga post ni Matteo sa kanyang married life to her wife Sarah Geronimo. Tulad ngayong lockdown, madalas ay nasa bahay lang ang bagong kasal at ang kanilang pinagkaabahalan ay biking sa kanilang compound sa Makati.

Ipinagluluto rin nila ang isa’t isa at in fairness marunong na rin magluto si Sarah pero kadalasan ay pasta at pastries ang kinakain ng magdyowa. At dahil hindi puwedeng lumabas ng bahay dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) ay sa condo na nila sa Makati nagdi-gym si Matteo kaya physically fit ang hubby ng Pop Star Princess.

Lumalabas lang ng bahay ang mag-asawa kapag may importanteng bibilhin o pupunta sa bahay ng parents ni Matteo sa Alabang. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin daw welcome sina Matteo at Sarah sa sa parents at sa mansiyon ng huli sa St. Charbelle sa Mindanao Ave., Tandang Sora, Quezon City kaya sa partido muna ni Matteo sila bumibisita.

 

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …