Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Rosanna Roces inirerespeto ang ECQ, guesting sa replay ng “May Bukas Pa” mapapanood na ngayong April 27

HOMEBODY na talaga noon pa si Rosanna Roces, kaya naman nang ipatupad ni Pangulong Rody Duterte

ang enhanced community quarantine (ECQ) at ini-lockdown ang NCR at ibang probinsiya sa Filipinas, isa si Rosanna sa walang pagdududang sumunod sa rules kaya lagi lang siyang nasa bahay kasama ang longtime partner and handler na si Boy George (Blessy Arias) at granddaughter sa anak na si Grace na si Maha.

 

Dalawang beses lang lumabas ng bahay si Osang, para kunin ang ayuda sa ABS-CBN at mag-grocery kasama si Blessy na ipinagda-drive siya. At kung ang karamihan sa mga kababayan natin ay nabuburyong na, hindi si Osang, dahil na-e-enjoy niya ang pagluluto.

 

At in fairness, ang sarap ng mga menu nila daily na kanyang ipino-post sa kanyang Facebook na marami siyang followers. Ang sad part lang, dahil sa social distancing ay hindi nai-blowout ni Rosanna sa restaurant ang grandson na si Leone na nag-birthday last April 22.

 

Samantala, hindi pa raw alam ni Osang, at wala pa siyang balita kung kailan ang resume ng kanilang taping sa top-rating afternoon series nilang “Pamilya Ko” ni Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Irma Adlawan, lalo’t

na-extend na naman ang lockdown hanggang May 15.

 

Pero sa mga fans ni Osang, ngayong Lunes, April

27, ay muli ninyo siyang mapanonood sa naging guesting niya noon sa “May Bukas Pa.”

 

Gumaganap silang mag-nanay rito ni Ejay Falcon na baguhan pa lang noon sa showbiz. Ang aliw factor ay Boy George din ang name ng character ni Ejay kaya post pa ni Rosanna, alam na raw niya ang kasaysayan ng name na Boy George. Sa teaser pa la ng guesting ng kaibigan naming actress sa TV drama series ng Dreamscape Entertainment noong 2009 ay kitang hindi kinakalawang ang acting niya.

 

Marami nang napatunayan si Osang sa pag-arte na naging Best Supporting Actress pa sa Gawad Urian.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …