May puso para sa kababayan ang award-winning international singer na si Nick Vera Perez, na bumebenta ang CD album sa Chicago at sa iba’t ibang bansa.
Bukod sa pagiging frontliner na registered nurse
sa Chicago ay nagsagawa ng proyekto ang NVP1 Smile World Charities ni Nick ng proyektong tinawag nilang PPP o Pagkain Para sa Pamilya, na nakapag-distribute sila ng relief good sa 125 families sa mga lugar sa Filipinas na ikinokonsiderang poorest of the poor, transport groups, small retail store owners at ‘yung mga walang hanapbuhay.
Sa pangunguna ni Joewild Ilagan de Chavez,
presidente ng NVP1 World Philippines, katuwang si Melette Fanunal, sa koordinasyon ng Hall of Supportive Farmers at NVP1 Angels Worlwide maayos na naisagawa kamakailan ang pamimigay ng bigas,
mga de-lata at iba pa.
Ang nakatutuwa, sa halip na 125 pamilya lang ay umabot sa 140 families ang nabiyayaan ng PPP program at sumapat naman ang relief goods na ipinamahagi nila.
Sabi nga ng isa sa masigasig na tagapagtaguyod ng PPP na si Mr. Nick, “If I listened to all badgers online,
and backstabbers, I wouldn’t be able to help, but then I realized, no one has power over me but
- me. And may legacy to help lives on. Imagine If I listened those negative people won’t even help.
If only they put all their energies talking into good use. If only all users able to do great things for the needy, they could have been perfect. Stay strong and stay kind. God bless you all!”
Kapuri-puri at dapat saluduhan ang katapangan at pagmamalasakit ng mga bumubuo ng NVP Project na ito sa kanilang pagkakawanggawa o paghahandog ng biyaya para sa nangangailangan nating mga kababayan na dumaranas ng matinding krisis sa bansa.
May malaking puso si Mr. Nick Vera Perez at
gusto niya masaya lahat. Labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kanilang proyekto.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma