Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jobelle, ikinagulat ang napakamahal na bill ng kapatid sa ospital

KINUKUWESTIYON ng aktres na si Jobelle Salvador na kasalukuyang nasa Amerika ang mga naka-charge sa bill ng kapatid niyang si Jonathan Salvador na nasa Makati Medical Center ngayon dahil naoperahan.

 

Post ni Jobelle sa kanyang FB account nitong Linggo, “Question lang? I just saw my brother’s hospital bill and I was just surprised that the N95 masks, gloves and PPE suits used by the doctors and nurses are being charged to the patient.  Is this the norm in hospitals? N95 mask – P427.50 each, Gloves – 307.50 each, PPE suit – 1,650 each, Surgical gown – 3,000?

 

Ito rin halos ang karamihang tanong ng mga kakilala naming nagpa-ospital na lumobo nang husto ang kanilang hospital bills dahil sa mga naka-charge sa kanila na gamit ng mga doktor at nurses.

 

Hindi ba’t sagot ng ospital ang mga ganitong gamit? Or hindi ba’t galing sa donasyon ang karamihang gamit ng mga ospital ngayon na PPE, face mask, gloves at iba pa?  Bakit kailangang pabayaran sa pasyente?

 

Biro nga ng iba, hindi mamamatay sa sakit ang pasyente kundi sa iniisip nitong bayarin sa ospital.

 

Anyway, may fund raising si Jobelle para sa kapatid niyang naka-confine ngayon sa Makati Medical Center dahil inoperahan sa preceptal cellulitis at hindi makalabas ng ospital dahil walang pambayad, bukod dito ay naapektuhan ang paningin ng pasyente dahil diabetic din.

 

Dumating sa Pilipinas si Jonathan galing Las Vegas, Nevada USA para personal na asikasuhin ang mga papeles at inabutan ng Enchance Community Quarantine o ECQ at nagkasakit at itinakbo sa nasabing ospital.

 

Nasa mahigit P300,000 ang bill ni Jonathan kaya naisip ni Jobelle na mag-fund raising para sa kapatid.

 

Ang mga gustong tumulong ay maaaring magpadala sa BDO Savings Account No. 001430167813 o sa pamamagitan ng Paypal, Zell or Venmo. Ang email address ni Jobell ay [email protected].

 

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay may update si Jobelle sa kapatid.

 

“Just an update, my brother had another procedure yesterday due to seroma. I haven’t spoken with him since. I’m praying that he’s alright. Please pray for my brother’s fast healing and recovery.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …