More than one month na rin nang ipinaiiral ang lockdown sa San Francisco, USA, na matagal nang
based ang Pinoy recording artist-dancer na si JC Garcia.
At thankful si JC dahil unti-unti nang nakare-recover ang Sanfo sa COVID-19 pandemic.
Sa kanyang post sa social media, ibinalita niyang
7 days a week na bukas ang matagal nang pinamamahalaang Security Public Storage na nasa #99 Hyde Court Daly City 94015.
Yes hindi uso kay JC ang tatamad-tamad at always time is gold for him.
Pero siyempre may time rin naman siya para sa kanyang sarili na kapag nasa bahay ang inaatupag ay
ang pagkanta nang live sa number online karaoke na SMULE, at marami siyang followers dito.
At dahil ang pinakaayaw sa lahat ay negative na bagay, idinaan ni JC sa pagsasayaw ang kalbaryong dulot ng COVID-19 pandemic.
In all fairness, dahil sa professional dancer ay mapapahanga ka sa kanyang pagsayaw.
After ng lockdown ay babalik na si JC sa kanyang radio program sa FIL-AM Radio na sobra raw niyang nami-miss na. Itutuloy na rin daw niya ang promotion ng kanyang single na “Paalam” composed by Richard Tanhueco, na maraming nagawang OPM hits.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma