Wednesday , April 9 2025

‘Shoot them dead’ order ni Duterte walang kinalaman sa pagpaslang kay Ragos — Roque

WALANG kinalaman ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot them dead” laban sa mga pasaway sa ipinatutupad na Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) sa pagpatay ng pulis sa isang  mentally challenged na retiradong sundalo sa Quezon City kamakalawa.

Ito ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga pagbatikos sa pagbaril ng pulis sa biktima na pagsunod lamang umano sa “shoot them dead” order ni Pangulong Duterte.

“Wala pong gano’n. Ang preliminary report na nabasa ko na mukhang nagkaroon ng sigawan sa panig no’ng nasawi at nagkaroon ng parang interpretasyon ang pulis na no’ng tumalikod akala niya dumudukot ng baril,” ani Roque.

“This is all preliminary, walang relasyon ito sa kahit anong sinabi ni Presidente, at hindi sinabi ng pulis na siya po’y pinatutupad ang isang order ng presidente. So, ‘wag natin bigyan ng interpretasyon ang bagay na wala pong basehan at all. If at all it is speculation, it’s conjecture, it’s not factual,” dagdag ni Roque.

Ipinangako aniya ng Pangulo ang patas at mabilis na imbestigasyon sa pagkamatay ni Winston Ragos, na binaril ni P/MSgt. Daniel Florendo.

“Nangangako ang gobyerno, ang Presidente na magkakaroon ng patas na imbestigasyon dito dahil ang iimbestigahan ay isabg taong gobyerno, isang pulis at ang biktima ay isa ring sundalo. Makaaaasa po kayo sa patas at mabilis na imbestigasyon,” sabi ni Roque. (ROSE NOVENARIO)

 

BERSIYON NG PNP
SA PAGPATAY KAY RAGOS
KINUWESTIYON

KINUWESTIYON ni Rep. Manuel Cabochan III ng Magdalo Party-list ang bersiyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagbaril kay dating Army Corporal Winston Ragos.

Base sa video ng insidente, ‘yung police personnel ay nakatutok sa katawan ng biktima “at close range.”

“This does not seem pursuant to self-defense. Moreover, the suspect was seen raising his hands as an act of surrender,” ani Cabochan, isang dating opisyal ng Philippine Navy.

Aniya, ‘yung pagtaas ng kamay ni Ragos ay tamang panahon na pigilin ‘yung suspek na hindi na magpaputok ng baril.

“Police Master Sergeant Florendo may have used excessive and unreasonable force,” ani Cabochan ng Philippine Military Academy (PMA) Marilag Class noong 1995.

Paliwanag niya nabigo din ‘yung pulis na tuparin ‘yung “rules of engagement.”

Ayon sa mga balita, sinasabihan ng mga tambay na may diperensiya sa utak si Ragos at sinubukan sana na pakalmahin ‘yung sitwasyon at kausapin si Ragos.

“There should have been an attempt to de-escalate the situation and negotiate first. Further, the police personnel resorted to fire shots without securing the civilians in the perimeter,” ayon kay Cabochan.

Aniya, ang pulis ay dapat may pagsasanay para pangasiwaan ang sitwasyon nang may “maximum tolerance.”

“If the police will continue to carelessly assert self-defense in its actions or the ‘nanlaban’ narrative, it would not raise public confidence on the institution. Rather, it would create a negative perception on the police,” ani Cabochan. (GERRY BALDO)

About Rose Novenario

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …

knife, blood, prison

Step-son patay, ka-live-in sugatan sa saksak ng selosong partner

NADAKIP ng pulisya nitong Sabado, 5 Abril, ang isang lalaking inakusahang pumatay sa kaniyang anak-anakan …

Marilao Bulacan Planta sangkap bomba NBI

Sa Marilao, Bulacan
Planta ng sangkap sa paggawa ng bomba sinalakay ng NBI

SINALAKAY ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tulong ng lokal na pulisya ang isang …

Cebu

Cebu isinusulong bilang Heritage Pilgrimage

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan …

Chiz Escudero Imee Marcos

In aid of legislation
Imbestigasyon ni Marcos Ipinagtanggol ni Escudero

IPINAGTANGGOL ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang isinasagawang imbestigasyon ng Senate committee on foreign …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *