DAPAT madaliin ng NEDA ang papalabas ng national ID system.
Ito ang binigyang-diin ni Senador Panfilo Lacson.
Ayon kay Lacson, ang batas sa pagpapatupad ng national ID system ay nilagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte dalawang taon na ang nakalilipas.
“The National ID system was signed into law nearly two years ago at dapat madaliin ang pag-iisyu nito dahil ito ang panahon ng pangangailangan ng mga mamamayan lalo’t umiiral ang lockdown dahil sa COVID-19.
“I hope the National Economic and Development Authority (NEDA) can fast track the implementation of the national ID system, as directed by the President,” ayon kay Lacson.
Binigyang diin ni Lacson na dapat atasan ang National Statistics Authority bilang frontline agency at ICT para mapabilis ang national ID system na mayroon nang sapat na pondo. (CYNTHIA MARTIN)