RULES are rules! Iginiit ito ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account bilang pagpanig kay Taguig City Mayor Lino Cayetano at sa mga member ng PNP (Philippine National Police).
Sa mga naglabasang news report nitong nakaraang mga araw, sinita ng pulisya ang ilang diplomats na nagkumpulan sa swimming pool sa isang exclusive condominium sa BGC.
Ayon kay Gel, sa BGC din siya nakatira kaya suportado niya ang ginawa ni Mayor Lino at PNP nang sitahin ang diplomats na nasa pool.
Bahagi ng caption ni Gel, “’Wag po tayong privileged. Wala pong diplomatic immunity ng virus.
“You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”
Matapos magtaray, nagkaroon ng birthday salubong si Gel na lingid sa kaalaman ng nag-surprise sa kanya eh alam na niya ang salubong, huh!
I-FLEX
ni Jun Nardo