Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, nasorpresa sa dalawang Darna cake

TULAD ng mga nakaraang kaarawan ni Angel Locsin, hindi naman talaga siya naghahanda para sa sarili, mas gusto niyang siya ang nagbibigay ng surprised party para sa mga kaibigan at mahal sa buhay.

 

Pero alam ni Angel na lagi siyang inaasalto o binibigyan ng surprise party ng mga kaibigan niya sa pangunguna ng mapapangasawang si Neil Arce.

 

At dahil naka-Enhance Community Quarantine ang lahat kaya sina Neil at Angel lang ang magkasama sa condo unit ng aktres para iselebra ang 35th bday nito.

 

Sabi nga niya, “35 and proud. My “Surprise” salubong.”

 

Nag-post ng video si Angel habang kinukunan ang mga handa niya lalo ang dalawang Darna cake na magkamukha na may suot pang face mask na bigay ng daddy niya at ni Neil.

 

“Ang galing!” sabi ng dalaga.

 

“Nalaman ko ‘yung surprise nila 30 minutes earlier hindi pa nila alam na alam ko na, surprise happy birthday to me, ha, ha, ha salamat. Salamat sa Team Angel sa bonggang birthday cake, naalala ninyo ako, naalala n’yo pa ako, maraming salamat., thank you Chef JC (Justin Chan) at iba pang taong nagpadala ng mga pagkain sa kanya.”

 

At pumasok si Neil sa unit ni Angel at binati siya ng ‘happy birthday’ at kinunan ng litrato at video sa harap ng maraming cake na hindi naman mahipan ang mga kandila dahil sa Covid-19.

 

Natawang sabi ni Neil, “magpapakapaso na lang siya (pinapatay ang sindi ng kandita sa pamamagitan ng mga daliri) kasi ayaw niyang mag-blow, teka nga, tulungan ko, aray!”

 

Samantala, isa si Angel sa residente ng condominium na nasa BGC Taguig City at pabor siya sa ginawang paninita ng army official sa mga unit owner na nasa swimming pool.

 

Intindi namang naiinip na ang mga residente kaya nagpapahangin pero hindi ito pinahihintulutan dahil nga dapat social distancing.

 

Nakiusap si Angel sa kapwa niya condo owners sa BGC na makisama at sumunod sa ECQ rules.

 

“I live in BGC and I support the PNP and Mayor Cayetano. Rules are rules. Walang kaibahan po ang kumpulan sa palengke, pa-sabong sa sementeryo, at pa-bingo sa kalsada sa pagkukumpulan ninyo sa swimming pool porke’t may common area sa high end condo ninyo.

 

“’Wag po tayong privileged. Wala pong diplomatic immunity ang virus. You staying in common areas can harm not only us Filipinos but also the diplomats in your condominium.”

 

Sinang-ayunan naman ito ng IG followers ni Angel na umabot sa 767 comments as of this writing at 33.9k likes.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Jordan Andres Omar Uddin Lance Reblando

Jordan, Omar, at Lance lakas ng kanilang henerasyon sa teatro

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGAGALING lahat. Ito ang nasabi namin matapos magparinig ng kanya-kanyang awitin …

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …