ANG coverage ng DEAR LIVE! Program ay sa buong bansa. Bukas ito para sa lahat ng kuwalipikadong freelance AV live performance workers pero maaaring bigyang prioridad ng FDCP ang low-income individuals na kumikita ng P30,000 o mas mababa rito kada palabas o P20,000 o mas mababa rito kada proyekto. Lahat ng documentary requirements ay dapat ipasa online sa FDCP National Registry, ang tagapangasiwa ng DEAR Program ([email protected]).
Kapag nag-apply ka at hindi pa kompleto ang iyong mga dokumento, bibigyan ka ng FDCP ng 21 na calendar days mula sa araw ng aplikasyon para makompleto ang requirements. Kapag hindi ito nagawa, hindi maaaprubahan ang aplikasyon o kailangang ibalik ang benefit payment. Ang application period ng DEAR LIVE! ay mula Abril 13 hanggang Mayo 13, 2020.
Matatanggap ng mga benepisyaryo ng DEAR LIVE! ang P5,000 or P8,000 mula sa FDCP sa pamamagitan ng bank deposit o money remittance service. Dahil pondo ng gobyerno ang DEAR fund para sa kapakanan ng mga benepisyaryo, at sa diwa ng pagbibigay serbisyo sa komunidad at AV industry, kailangang magbigay ng return service ang mga aprubadong aplikante sa loob ng dalawang (2) taon pagkatapos nilang matanggap ang DEAR LIVE! na tulong pinansiyal.
Kailangang sumali o dumalo ang mga benepisyaryo sa dalawang (2) kaganapan, aktibidad, o proyektong suportado o inorganisa ng FDCP bilang volunteer worker o propesyonal.
Idinagdag ni Chairman Liza Diño-Seguerra, “FDCP, which is under the Office of the President, aims to complement the government programs and support our workers in this time of crisis especially that the ECQ is extended until April 30. Every effort from each agency counts and FDCP is heeding the call of its stakeholders from the audio-visual industry through DEAR.”
Para naman sa AV live performance workers na empleado ng kompanya (regular, contractual, seasonal, project-based, contract of service, etc.) at apektado ng state of calamity, maaari silang sumangguni sa CAMP at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE, pati na rin sa mga programa ng SSS, DSWD, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), at kanilang pamahalaang lokal.
Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon: tumawag o mag-text sa DEAR hotline: 0917-8003227 (text lamang); DEAR e-mail: [email protected]; DEAR website: http://fdcp.ph/dear-program; Facebook page: FDCP National Registry.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan