Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia, nagpapahinga na sa bahay, pero mahina pa; Mga kapamilya, negatibo sa Covid-19  

“BAHAY na. Nagpapahinga at mahina pa. Masaya at buhay kami mag -asawa,” ito ang sabi sa amin ni Sylvia Sanchez kahapon nang kumustahin namin.

 

Hirit namin na, ‘sabi na nga hindi papasa si ‘veerus’ sa inyo. Ramdam ko, gagaling kayo.’

 

“Hindi pumasa pero muntik na,” ito ang sagot ng aktres.

 

Walang matandaan kung saan at paano nagkaroon ng Covid-19 sina Sylvia at asawang si Art Atayde dahil wala namang sakit ang mga kaibigang nakasalamuha nila bago sila nagkaroon ng sensyales.

 

At habang nakikipaglaban kay Covid-19 ang mag-asawa ay naisip ng aktres na ayaw na niya ng may katampuhan o kasamaan ng loob dahil life is short.

 

Aniya, “Tumatanda na ako ayaw ko na katampuhan kaaway. Mabuti na ‘yong bati-bati na. Ito ‘yong isa sa positive na resulta ng Covid sa amin.”

 

Sinang-ayunan namin ito dahil oo nga ang daming realization sa nangyaring ito sa lahat na walang mayaman o mahirap kapag tinamaan ka ng Covid-19 ay sa ospital ang bagsak.

 

Sabi namin na magpahinga na si Ibyang dahil panay pa rin ang social media, “nagpapa-antok lang. Oo, nanghihina pa rin, pero at least Covid-19 negative na.”

 

Nabanggit din namin na nagbiro si Papa Art na plano niyang pumunta ng Wuhan, China.

 

“Oo, pangarap talaga niya ‘yan,” sagot naman ni Ibyang.

 

Hala, seryoso nga talaga si Papa Art?

 

Anyway, mukhang inantok na si Ibyang dahil hindi na sumagot sa chat namin.

 

Samantala, nag-post naman ng resulta na Covid-19 negative ang lahat ng mga kasama sa bahay nina Papa Art at Ibyang na sina Menggay, Cherry, Dalia, Nacel, Mila, at maging ang kapatid ng aktres na si Janice.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …