Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon-Robin movie masyadong sexy kaya ‘di na matutuloy (Frankie hindi naabutan ng COVID-19 sa US)

ISA ang inyong columnist sa nakapanood ng FB Live ni Sharon Cuneta last Friday.

Bukod sa marami siyang kuwento tungkol sa enhanced community quarantine (ECQ), tumanggap siya ng mga tanong mula sa kanyang Sharonians all over the world.

Dinagsa ng viewers ang megastar at ilan sa

sinagot niya ay tungkol sa mga concert niya abroad this May, particular in Canda na due of COVID-19 ay postponed na at itutuloy na lang daw kapag maayos na ang sitwasyon.

Ipinaalam rin niya sa lahat na hindi na matutuloy ‘yung supposedly movie nila ni Robin Padilla sa Viva dahil masyado raw sexy ang pelikula kaya nagpapahanap siya ng script na aakma sa kanilang team-up ni Binoe.

Nang maitanong kay mega and daughter nila ni Senator Kiko Pangilinan na si Frankie, nagpasalamat si Shawie at bago pa kumalat ang COVID-19 sa bansang Amerika.

Napauwi na nila noong March 14 si Frankie sa Filipinas. Ang daughter ni Mega ang nagkuwento sa kanila ni Kiko hinggil sa 21 residente ng Barangay San Roque na inaresto at ikinulong dahil lumabag sa “Bayanihan Act.”

Si Frankie at si Senator Kiko ang tumulong para makapagpiyansa ang mga inarestong taga-San Roque. Hindi biro ang halagang pinakawalan ng mag-asawa at ng anak nila dahil P15,000 ang piyansa sa bawat tao.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …