DAHIL lockdown at hindi makalabas ng bahay kaya roon na lang isinelebra nina Sunshine Cruz at boyfriend niyang si Macky Mathay ang kanilang ikatatlong taong anibersayo at pitong buwan.
Base sa video post ni Sunshine, inabutan niyang nasa kusina ang boyfriend niya at nagluluto at nang tanungin niya kung ano ang niluluto nito.
Sabi ni Shine, “Hi my Macky? Why are you preparing dinner?”
Sagot naman ni Macky, “It’s our monthsary, we’ve been together for 3 years and 7 months. And preparing rib steak for my Sunshine, with special bottle of wine (at sabay bulong ng I love You).”
At kinunan din ni Shine ang nilulutong steak ni Macky sa oven at pati ang wine na kanilang pinagsaluhan for dinner.
Base sa larawan ay sina Sunshine at Macky lang ang magkasamang naghapunan at wala ang tatlong Maria ng aktres.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan