Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lovi Poe Monty Blencowe

Lovi, kamado na ang pagkakaroon ng LDR

KAMADONG-KAMADO na ni Lovi Poe ang pagkakaroon ng long distance relationship. Kahit kasi nasa ibang bansa ang boyfriend niyang scientist na si Monty Blencowe, matatag na matatag pa rin ang kanilang relasyon.

 

Keri na ngang magbigay ng tips ni Lovi para sa mayroong long distance relationship para maging masaya at matatag, huh!

 

“Communication is the key. Kahit na nga hindi long distance relationship, it’s important to communicate,” saad ni Lovi.

 

Pangalawa ang honesty, then trust at ikaapat ang respeto.

 

“Without respect, there is nothing. Parang siyempre ‘pag may respeto ka sa partner mo, the last thing that you want to do is to ruin that trust and to cut the communication,” dagdag ng Kapuso actress.

 

Panghuling tip niya, “If you’re in love and passionate about that person, I think it’s gonna hold everything together kasi nga kapag long distance relationship, kapag hindi siya solid, it’s waste of time.”

 

Anyway, nitong nakaraang araw, sinorpresa si Lovi ng boyfriend dahil nakatanggap siya ng video greeting mula sa isa sa bida ng Netflix movie na Money Heist, si Arturito na malapit pala kay Monty.

 

“Ahhhh! I’m so kilig!!! @MontyBlencowe is the sweetest!!!” tweet ni Lovi sa video na ginawa ng boyfie.

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …