NANGUNGUNA na ang Filipinas sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia, higit pa sa Malaysia, para sa isang puwestong hindi nanaisin ng mga bansa sa rehiyon.
Nitong Lunes, 13 Abril 2020, inihayag ng Department of Health (DOH) nadagdagan ng 284 bagong kaso ng COVID-19, na umabot sa 4,932, kapos para sa 5,000 marka.
Kahapon, Martes, 14 Abril, nadagdagan pa ng panibagong 291 positibong kaso ng COVID-19 kaya umabot na sa 5,223 ang kabuuang bilang nito, batay sa pinakahuling ulat ng DOH hanggang 4:00 pm kahapon.
Batay sa datos, 20 pasyenteng apektado ng COVID-19 ang namatay kung kaya’t umabot na sa 335 ang kabuuang bilang nito.
Samantala, 53 pasyente ang napaulat na gumaling sa COVID-19 sa nakalipas na magdamag kaya’t umakyat sa 295 ang bilang ng kabuuang nakaligtas sa nakamamatay na coronavirus sa Filipinas.
Batay sa datos sa iba pang bansa sa Southeast Asia, isa ang Filipinas sa dalawang bansa na may mataas na bilang ng mga namamatay kaysa nakaliligtas o gumagaling sa COVID-19.
Pagkatapos ng Filipinas, ang Malaysia at Indonesia ang mga bansang may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Narito ang pinakabagong bilang ng mga postibong kaso, namatay, at nakaligtas o gumaling sa Southeast Asia, ayon sa global COVID-19 tracker ng John Hopkins University.
Malaysia: total cases – 4,683; total recoveries – 2,108; total deaths – 76.
Indonesia: total cases – 4,241; total recoveries – 359; total deaths – 373.
Thailand: total cases – 2,579; total recoveries – 1,288; total deaths – 40.
Singapore: total cases – 2,532; total recoveries – 560; total deaths – 8.
Vietnam: total cases – 262; total recoveries – 144; total deaths – 0.
Brunei: total cases – 136; total recoveries – 99; total deaths – 1.
Cambodia: total cases – 122; total recoveries – 77; total deaths – 0.
Myanmar: total cases – 41; total recoveries – 2; total deaths – 4.
Laos: total cases – 19; total recoveries – 0; total deaths – 0.
Timor-Leste: total cases – 2; total recoveries – 1; total deaths – 0.
(CYNTHIA MARTIN)