Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Reyno Oposa tagumpay sa “Inspirado” na humamig na ng 30K views sa YouTube Channel

Hindi nagkamali si Direk Reyno Oposa sa pagpasok niya sa mundo ng recording bilang producer at director.

Yes patok agad ang unang single na Inspirado nina Ibayo at Rap Smith kasama ang influencer sa social media na si Arlene “Leng” Altura.

Producer nito si Direk Reyno na siyang nag-direk nang live ng music video nito na as of presstime ay humamig na ng over 30K views and still counting sa YouTube channel ni Direk.

At dahil inspired sa tagumpay ng nasabing single ay nagkaroon ng Inspirado challenge ang kaibigan naming director sa pamamagitan ng usong-uso ngayong “Tik

Tok.”

Marami ang sumali rito kabilang ang pangunahing bida ni Direk Reyno sa Wild Butterflies na si Kurt Harris at Maui Mendoza na isa rin influencer at aspiring model-actress. Ang premyo ay cash at Inspirado T-shirt at napili na ni Direk Reyno ang kanyang winners.

Samantala, soon ay inyo na rin mapanonood sa YouTube channel ni Direk ang follow-up single nina Ibayo at Rap Smith na “Kung Bagay” featuring Whamos Cruz, Maui Mendoza and DK One.

Pinasasalamatan ni Direk at ng kanyang Ros Film Production ang lahat ng supporters nina Leng at Whamos dahil big factor sila sa success ng Inspirado na ini-record sa Elyon Studio at ang Music Video na kinunan sa Marcrozel’s Private Resort.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …