FINALLY ay nasilayan na ng publiko ang aktres na si Sylvia Sanchez sa kanyang hospital bed na kasalukuyang nagpapagaling ngayon dahil sa Covid-19.
Pinasalamatan nang husto ng aktres ang lahat ng frontliners na umasikaso sa kanya at nagpapalakas ng loob niya kasama ang asawang si Art Atayde na road to recovery na rin tulad niya.
“Maraming-maraming-maraming-maraming salamat sa inyong lahat, mga frontliner kita-kita po tayo sa finish line,” saad ni Sylvia.
Ayon pa sa aktres na hinihintay nilang mag-asawa ang pangalawa nilang confirmatory Covid-19 test at inaasahan nga na negative na ang resulta nito matapos ang ilang araw na gamutan sa ospital.
FACT SHEET
ni Reggee Bonoan