PAGTATAKSIL ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo na nagsasagawa ng community work sa Barangay Puray, Rodriguez, Rizal kamakalawa.
Kahapon, 29 Marso, ipinagdiwang ng NPA ang kanilang ika-51 anibersaryo.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, paglabag ito sa idineklarang ceasfire ng magkabilang panig sa gitna ng nararanasang krisis sa COVID-19.
“This armed attack by the NPA against our soldiers exposes the insincerity of the former in declaring a ceasefire as well as their blatant disregard of the welfare of the Filipino people they claim to fight for as their armed assault against the soldiers who were doing community work in connection with the government’s battle against COVID-19 have placed the civilians in imminent danger and disrupted the implementation of the enhanced community quarantine in that area,” pahayag ni Panelo.
Tiniyak ni Panelo, nakahanda ang pamahalaan na magresponde sa pag-atake ng rebeldeng grupo kahit may ceasefire.
“Let this be a warning to the enemies of the state that the constituted authorities are equipped and ready to repel any and all transgressions of law and crush any armed attack against our soldiers and civilians with ferocity and might,” pahayag ni Panelo.
Batay sa ulat, napatay ng mga rebelde ang isang sundalo habang sugatan ang dalawang iba pero nakaganti ang tropa ng pamahalaan at nalagasan din ang NPA. (ROSE NOVENARIO)