AFTER mamigay ng tinapay si Kim Chiu sa ilang residente sa Tandang Sora, Quezon City sa pag-aaring franchise ng Julie’s Bakeshop, sa naturang lugar.
Last week, ay namahagi ng bigas at grocery items si Kim sa ilang barangay sa Marikina. Laking gulat ng mga tao sa Marikina at may natanggap silang biyaya mula kay Kim, na kailangang-kailangan ng lahat dahil sa hinaharap na krisis sa ipinatutupad na enhanced community quarantine ng gobyerno dahil sa delubyong dala ng COVID-19.
Well since sumikat si Kim, taon-taon tuwing birthday ng Kapamilya actress, ay nagpapakain siya at namimigay ng regalo sa mga bata sa paborito niyang bahay ampunan.
Samantala, ngayong pahinga muna sa taping, ng pinagbibidahang teleseryeng Love Thy Woman, ang paggawa ng Tiktok na in vogue ngayon ang isa sa pinagkakaabalahan ni Kim.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma