Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dovie San Andres, kinilig sa love and care ng singer na si Tyrone Oneza

Sa panahon ngayon na buong mundo ay apektado ng COVID-19 pandemic. Nakababawas ng stress sa controversial social media personality, na si Dovie San Andres ang recording artist-businessman na si Tyrone Oneza, na matagal nang nakabase sa Barcelona, Spain.

Ikinatuwa nang labis ni Dovie ang concern sa kanya ng idol na singer (Tyrone) at siya rin daw ang nagpapasaya at kilig sa araw niya sa mga komento nitong nakai-inlove. Imagine, may pa “I love you” pa si Tyrone kay Dovie.

Galing sa hindi magandang break-up si Dovie sa ex na ginamit at pinerahan lang siya. Kaya very thankful siya, sa pagdating ni Tyrone sa buhay niya at tinanggal nito ang kanyang kalungkutan.

Paulit-ulit palang pinakikinggan at pinapanood ni Dovie ang mga music video ni Tyrone sa mga patok na awitin nitong “Dito sa ‘king Piling” at “Hanggang Ngayo’y Ikaw” etc.

Wish ni Dovie, kapag umuwi siya ng bansa ay magkita sila nang personal ni Tyrone, at makapag-bonding sila sa isa’t isa. Isa pang ikina-flattered ni Dovie kay Tyrone ay nang ikompara ng said artist, ang throwback photo ni Dovie, sa Barbie doll.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …