Wednesday , December 4 2024

Dagdag na lab testing center para sa COVID-19 kailangang ipursigi ng DOH

MARAMING magagaling na Filipino at mahuhusay sa iba’t ibang larang na kanilang pinasok. Pero mukhang hindi sila ‘nakapaglilingkod’ nang husto sa bayan dahil sa umiiral na burukratikong sistema.

        Isang halimbawa rito ang kakulangan natin sa laboratory testing center ngayong nasa krisis tayo ng pananalasa ng salot na coronavirus (COVID-19).

        Sa ganitong mga panahon, nalalantad sa publiko na kahit malaki ang budget na inilalaan sa mga ahensiya ng gobyerno na may kinalaman sa agham at kalusugan, ay malaki pa rin ang ating kakulangan.

        Kinailangan pang magkaroon ng COVID-19 para mapatunayan ng Marikina City na may kakayahan pala silang magtayo ng laboratory testing center pero dahil maraming bureaucratic requirements, hindi pa ito inaaprobahan ng Department of Health (DOH).

        Kaya muli tayong napaisip, talaga bang ang gobyerno natin o ang kultura ng mga Filipino ay nasanay na sa pagiging reactive?

Hindi ba talaga tayo naging pro-active kahit kailan? Kaya tuwing dumarating ang ganitong mga sitwasyon, lagi tayong kulelat sa pagreresolba?!

        Kamakalawa, inianunsiyo ng DOH na mayroon na tayong 30 laboratories na dumaraan sa iba’t ibang proseso ng sertipikasyon.

        Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, ang nasabing laboratories ay kailangang dumaan sa iba’t ibang stages ng sertipikasyon dahil delikado ang isinagasagawang test sa mga swab ng mga pinaghihinalaang apektado ng COVID-19.

        Hindi nga naman biro ang nasabing  pagsusuri.

        Pero, anong petsa na?!

        Nasa ikatlong linggo na tayo ng enhanced community quarantine pero parang ang sistema ng mga kaukulang awtoridad ay naghihintay o nag-aabang kung ilan ang maidaragdag sa estadistika ng mga apektado (positibo, persons under investigation o PIUs, persons under monitoring o PUMs), namatay o nakarekober.

        Ibig sabihin, wala pa tayong nakikitang agresibong hakbang na ginagawa ang pamahalaan para sugpuin ang virus, maliban sa ‘lockdown.’

        Nakalulungkot isipin na dahil sa kakapusan sa mga teknolohikal na kakayahan, tila ba umaasa na lang tayo sa matutuklasan ng mga mauunlad na bansa para labanan ang COVID-19.

        Kaya kahit maraming magagaling na Filipino na ngayon ay nagsisikap na humanap ng lunas laban sa COVID-19 sa kanilang sariling pamamaraan, hindi ito nabibigyan ng atensiyon at pagpapahalaga. 

        Relatibong maliit ang bilang mga nakarerekober kompara sa bilis ng pagdami ng mga apektado ng COVID-19, pero sa kabila noon hindi pa rin natin nakikitaan ng agresibong hakbang ang mga ahensiyang dapat ay tumutok dito.

        Ngayon sana natin makikita kung ano ang kahalagahan ng Department of Science and Technology (DOST) sa ating lipunan at sa mga panahong gaya nito, pero gaya nga ng nabanggit natin noong una, tila nahirati tayong maging reactive kaysa maging pro-active para tuluyang wakasan ang krisis na ito.

Sa buong bansa, hindi natin masasabing hindi nakikiisa ang mga mamamayan sa kautusang enhanced community quarantine. Mabilis itong naipatupad. Lumilitaw lang ang mga problema ng paglabag sa curfew hours at social distancing dahil hindi naipatutupad nang maayos ang food rationing.

Mayroong mga munisipalidad o siyudad na seryos0ng mahatiran ng food packs ang kanilang mga constituents pero mas marami ang mga mayor na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ng kanilang mga kababayan, lalo roon sa malalayong probinsiya.

Sabi nga ng ilan nating mga kababayan, malamang matapos na ang ipinatutupad na ‘quarantine’ sa  mga komunidad pero ang pangakong ‘food rationing’ ay hindi lang ‘maka-quarantine’ sa mayor  kundi magiging isang malaking ‘drawing.’

At kung hindi magiging mabilis ang sertipikasyon ng DOH sa sinasabing 30 laboratory testing centers na tutukoy sa mga apektado ng COVID-19, natatakot tayo na baka lalo pang humaba ang araw na ipatutupad ang enhanced community quarantine na hindi maglalaon ay mag-aanak ng iba’t ibang komplikadong sitwasyon.   

        Hindi ‘superman’ ang ating frontliners na kapag tinamaan ng COVID-19 ay hindi magpapahinga nang tuluyan. Sana’y matumbok na ng DOH at ibang kaakibat na ahensiya kung ano ang mabisang panlaban sa COVID-19.

        Dahil alam natin, ang pangmatagalang enhanced community quarantine ay hindi tunay na solusyon sa salot na pandemiko — sa halip, maaari itong magdulot ng anarkiya sa lipunan.

        Sana naman po’y hindi mangyari ito.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *