MALAKI raw ang pasasalamat ni Nora Aunor, at pansamantalang nahinto ang taping nila para sa teleserye nilang Bilangin Ang Bituin Sa Langit dahil sa ongoing na enhanced community quarantine.
Matagal na kasing may asthma si Ate Guy, at dahil sa mahinang baga ay madaling makapitan ng
nakamamatay na coronavirus na lomobo na ang bilang ng mga biktima.
At behave daw ang ating superstar dahil sumusunod siya sa batas na kung walang importanteng pupuntahan tulad ng bibili ng pagkain o gamot ay naka-stay lang siya sa condo niya sa Eastwood.
Madalas rin naka-mask ang superstar at ang kasama sa kanyang condo. Mabuti nga naman ‘yung nag-iingat lalo’t walang pinipiling mahawaan ang nakamamatay na COVID-19 na as of presstime ay nasa mahigit 600 na ang victims.
Saka tatlong artista na ang tinamaan nito sina Christoper de Leon na naka-recover na, Iza Calzado na kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa sakit na pneumonia at binawian kamakailan ng buhay ang na aktor na si Menggie Cobarrubias.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma